Venus Raj, Masayang Ibinahagi ang Kanyang Pagtatapos sa Isang Paaral sa United Kingdom!




Si Maria Venus Bayonito Raj o mas kilala binga Venus Raj ay ipinanganak noong Hulyo 7, 1988. Si Venus ay isang Indian-Filipino model, isang artista at beauty pageant titleholder na kinorahan bilang Binibining Pilipinas Universe noong 2010. Siya ay naging Miss Universe Philippines noong 2010. Nagwagi si Venus bilang 4th runner-up sa 59th Miss Universe pageant kung saan naging popular at binansagan siyang "Major major".




Bagaman ay sikat na siya sa karera ng showbiz ay mas pinili pa rin ni Venus na mag-aral sa ibang bansa upang mas magkaroon pa ng kaalaman.

Masayang ibinahagi ni Venus ang kanyang achievement sa kanyang pagtatapos ng pag-aaral sa United Kingdom. Sa katunayan ay hindi lamang maganda si Venus dahil matalino din ito. Nakapagtapos siya sa kursong Bachelor's Degree in Communication Arts sa University of Bicol noong 2009.





Taong 2017 naman nang natapos ni Venus ang kursong Journalism sa University of the Philippines at nakamit niya rito ang Master's Degree in Community Development.

Ibinahagi ni Venus sa kanyang Instagram account ang masayang pangyayari sa UK. Nag-aral ito sa Oxford Centre for Christian Apologetics at pinagsikapang makatapos ng pag-aaral habang pinapalago ang kanyang pananampalataya.




Hindi man nabanggit ni Venus ang kursong kanyang kinuha sa UK ay marami naman ang humanga sa kanya. Si Venus ay isang Born Again Christian na proud na ibinahagi sa publiko.

Masasabing beaty and brain itong si Venus dahil sa kagandahan at katalinuhan niyang taglay. Marami ang bumati sa determisasyon ni Venus at sa kasipagan nitong mag-aral at matuto.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments