Kilala si Raffy Tulfo bilang "Hari ng Public Service" dahil sa dami ng kanyang mga natulungang Pilipino at ang ilan ay dayuhan pa. Msy mga natulungan na din siya kapos at nangangailangan ng pinansyal na suporta, mga taong naaåpi at mga kababayan nating may malubhang karamdåman. Ang kanyang youtube channel ay mayroon ng 21.5 million subscribers.


Sa isang episode naman ay nagbigay siya ng tulong sa isang lola na naglalako ng mga ginantsilyong sumprero, pitaka at iba pa.

Kamakailan lamang nang mag-viral ang larawan ni Lola Mila Mendoza matapos ibahagi ng concerned netizen na si Teodoro V. Lanuza Jr. Ayon sa naturang post, ay nakita si Lola na matiyagang nagtitinda ng kanyang mga ginantsilyo sa Batasan Commonwealth, Quezon City.

Sa naging panayam naman kay Lola Mila ng programa ni Raffy Tulfo ay kinuwento nito na kung minsan, kapag may bumubili sa kanya ay sobra ang binabayad at hindi na hinihingi pa ang sukli.



Labis naman ang pasasalamat ni Lola Mila sa mga taong nagbibigay ng suporta sa kanya kasama na rito si Idol Raffy at sa programa nito. Pinasalamat din niya ang Panginoon na nagbibigay sa kanya ng biyaya sa araw-araw.

Sa kanyang tahanan ay tanging mga alagang aso at pusa lamang ang kanyang mga kasama. Kaya naman, nagsusumikap siyang makagawa at makabenta ng mga ginantsilyo.


Bukod naman sa Php20,000 na perang natanggap ni Lola Mila mula sa naturang programa ay inalok din siya ni Idol Raffy na maging merchant ng kanyang 'Idol Shopping Network' kung saan ay maaari niya ibenta ang mga ginantsilyo at mas maparami ang kanyang mga mamimili.

Narito ang kabuuang video:


 

Source: Noypi Ako