Mahigpit na ipinagbabÄwal ngayon ang paglabas ng mga tao lalo na kung matanda na dahil mas prone sila sa v!rus na kumakalat ngayon sa bansa. Ngunit may ilan pa rin tayong nakikita na matanda sa daan katulad na lamang ng isang 67-anyos na lola na nagtitinda pa rin ng basahan. Tulad ni Lola ay marami sa ating mga kababayan ang napipilitang maghanap-buhay sa gitna ng pand3mya kahit na may edad na para lamang kumita ng pera at makaraos sa pang araw-araw.




Gayunpaman, may mga kababayan din tayo handang tumulong sa mga nangangailang kagaya na lamang ng vlogger na si Denso Tambayan. Nakita umano ng vlogger si Lola na natutulog sa gilid ng kalsada habang naka-unan sa paninda nitong basahan.

Nang lapitan niya si Lola ay dito niya napag-alamang namamahinga ito dahil napag0d siya sa pagbebenta ng basahan.





Ayon kay Lola, Php 220 ang kinikita niya kapag nakaubos siya ng basasahan. Dahi dito, sinabi ni Denso na magbibigay na lamang siya ng pera para makauwi na si Lola at makapagpahinga na sa bahay ngunit tumanggi si Lola dahil nais niyang maubos ang kanyang panindang basahan. Ilang beses na pinilit ng vlogger si Lola ngunit hindi talaga ito pumayag.

Binigyan ni Denso ng Php 2,000 si Lola para kahit makaubos o hindi ng paninda ay may pera siya. Samantala, may isang rider din ang lumapit kay Lola at bumili ng basahan. NagmalasÄkit din ang rider at sinabing ibenta na lamang ang kanyang basahan sa iba kahit nabayaran na niya ang mga ito.




Tinanggihan ito ni Lola dahil sobra-sobra na umano ang kanyang natanggap. Inabutan ni Lola ng basahan ang rider para kahit papaano ay makabawi umano siya sa kabutihan nito. Sa kabilang banda, nais namang ipadala ni Lola ang lahat ng basahan kay Denso ngunit tumanggi ang vlogger.

Labis ang ligaya na naramdaman ni Lola dahil sa dami ng biyayang natanggap niya. Malaking tulong na ang kanyang natanggap para sa pang araw-araw nilang gastusin.

Source: Noypi Ako