Asong-Gala, Hinangaan Matapos Magsagip ng Bagong Silang na Sangg0l na Iniwan sa Dumpsite!




Kumalat sa social media ang ulat tungkol sa pagsagip ng isang bayaning aso sa bagong silang na sangg0l na iniwån sa isang dumpsite sa Sibonga, Cebu. Sa pamamagitan umano ng pagtahol ng aso sa isang lalaki ay nasagip ang buhay ng sångg0l. Ayon sa ulat, bandang alas onse noon ng umaga ng Disyembre 24, nang dumaan ang isang lalaki na si Junrell Fuentes Revilla sa isang dumpsite sa bundok ng Barangay Magkagong nang sinimulang habulin siya ng isang aso.




Bagama't tumahol at hinabol ng aso ang kanyang motorsiklo, ay hindi ito naging agrësibo. Sa katunayan, ay nakaramdam si Junrell na may sinusubukang sabihin sa kanya ang aso at tila humihingi ito ng tulong sa kanya.

Dahil sa pagtataka ni Junrell sa ipinakitang ugali ng aso, huminto si Junrell at sinundan ang naturang aso na tumakbo na tila ba ay pinapasunod siya nito, at doon niya narating ang isang madamong lugar sa dumpsite. Nagulat si Revilla ng makita niya ang isang sangg0l na nakabalot sa isang tuwalya.




Agad namang inimbistigåhan ng Sibonga PNP ang pangyayaring ito sa pamumuno ni ACOP PMAJ Jomar Anoba Medil kung saan ay ginawa nila ang isang occular inspecti0n sa lugar habang ang båta naman ay dinala sa ospital para sa mga pagsusuri at posibleng treåtment.

Ayon naman kay Police Master Sergeant Venus Tampos ng Sibonga Police Women and Children Protection Desk (WCPD), ang bagong silang na sangg0l ay isang lalaki na mayroon pang nakakabit na umbilicå1 cord at nakabitin sa pus0d nito. Natagpuan nila ang inunån ng sangg0l na nakabalot sa loob ng isang itim na plastic bag na itinapon sa tabi nito.




Nananawagan naman ang mga awt0ridad sa mga magulang ng sangg0l, lalo na ang ina, na tanggapin ang responsibilidad sa sangg0l. Itinurn-over na ng pulisya ang bata sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Marami naman ang pumuri sa kabayanin ng aso. Ang aso na ito ay isa sa lima hanggang anim na madalas na makikita sa naturang dumpsite at doon naghahanap ng makakain. Dalangin naman ng mga netizen ay sana may kumupkop sa bayaning aso.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments