Estudyante, sa puntod na lamang ng kaniyang lola nag-aaral upang makasagap ng maayos na signal para sa kaniyang online class!




Kamakailan lamang ay naging inspirasyon sa maraming mga kabataan ang kwentong ito ni Jonica Lou Eugenio. Siya ay isang “first year college student”. Kailangan niya ang maayos at malakas na signal para sa kaniyang online class.



Ngunit wala nito sa kanilang tahanan. Maaari sana siyang magtungo sa mga “internet café” o “coworking spaces” ngunit nag-aalala siya dahil sa maraming mga tao ang maaaring nagtutungo rin dito.

Kung kaya naman naisipan na lamang niyang magtungo sa sementeryo, sa libingan ng kaniyang lola upang doon siya mag-online class araw-araw. Ayon sa naging post ng kaniyang kapatid na si James Fuentes Eugenio ay walang maayos na signal sa kanilang bahay kung kaya naman kinailangan niyang pumunta sa himlayan ng kaniyang lola.



Doon ay mayroong mas maayos na signal kung kaya naman mas nagiging madali para sa kaniya ang mga “online classes” niya. Sa una ay talagang natatakot ang 17 taong gulang na si Jonica ngunit kalaunan ay nasanay na rin ito.


Araw-araw ay gumigising siya ng 5:30 ng umaga upang gumayak para sa kaniyang klase. Bumibiyahe din siya araw-araw mula sa kanilang tahanan sa San Antonio, Nueve Ecija papunta sa sementeryo.



Buti na lamang at malapit ang bahay ng kaniyang kapatid na si James sa libingan ng kanilang lola kung kaya naman palagi siya nitong nasasamahan. Umani ng napakaraming komento at reaksyon mula sa publiko ang kwentong ito ng isang mag-aaral na patuloy na nagsusumikap na mag-aral sa kabila ng napakaraming mga hadlang upang makapag-aral siya ng maayos.

Ayon sa kaniyang ina na si Paula Eugenio, isang “consistent honor student” ang kaniyang anak na si Jonica kung kaya naman gayun na lamang ang pagnanais nitong maging maayos ang kaniyang pag-aarala sa kabila ng pandemyang nararanasan natin sa ngayon.




“Naiinggit nga raw po siya sa mga kaklase niya dahil sila nasa bahay lang, kahit 7:30 pa gumising ayos lang, pero siya po, napupuyat sa mga school works tapos maaga pa pong gigising,” pahayag ng nanay ni Jonica na si Paula Eugenio.





Post a Comment

0 Comments