Napakarami nang nangyari mula nang kumalat sa ating bansa ang pandemyang COVID-19. Halos pitong buwan na rin mula nang magsimula ang tila bangungot na hanggang sa ngayon ay kinatatakutan pa rin natin.
Hindi na naging normal an gating pamumuhay mula noon. Hindi na tayo maaaring maging komportable sa pagpunta sa mga matataong lugar tulad na lamang ng mga pasyalan, mga mall, mga palengke, mga simbahan at marami pang mga lugar.
Kailangan ay palagi ring nakasuot ng “face mask” at “face shields” kung lalabas ng ating mga tahanan. Maging ang negosyo, kabuhayan at trabaho ng mga Pilipino ay labis ding naapektuhan.
Lalong lalo na ang ating edukasyon sa ngayon. Sadyang napakahirap ng sitwasyon ng mga mag-aaral at guro natin sa ngayon. Nagsusumikap ang bawat isang makasanayan ang “New Normal”.
Ngunit kamakailan lamang ay naging viral sa social media ang post na ito ng netizen na si Richard Rubrica. Sa kaniyang post ay ibinahagi niya ang mahirap na sitwasyon ngayon ng mga mag-aaral sa bansa.
Itinago niya sa pangalang Nene ang batang nasa larawan. Sa murang edad ay nagbabanat na ito ng buto sa pagtitinda ng mga “face shield” sa gilid ng isang kilalang botika sa North Caloocan.
Ngunit minsang napansin ni Richard na habang nasa online class ito at kausap ang kaniyang guro ay nagtitinda rin ito ng kaniyang paninda sa bangketa. Talaga namang napakahirap ng sitwasyon ng mga mag-aaral at mga guro natin sa ngayon na patuloy pa ring nangangapa sa dilim kaugnay sa bagong paraan ng pag-aaral sa ngayon.
Napakahalaga ng edukasyon para sa maraming mga Pilipino. Para sa atin, isa ito sa mga pamanang maiiwan ng mga magulang sa kanilang mga anak.
Isa rin ito sa mga kakailangan natin upang maging matagumpay sa buhay. Kung kaya naman kahit mahirap ay sinisikap pa rin ng marami na magtiis at kahit papaano ay masanay na sa modernong pamamaraan ng pag-aaral na ibang-iba sa nakagawian nating lahat.
0 Comments