Guro sa Iligan City, Namigay ng Laptop sa Limang Estudyante Para May Magamit sa Online Class!



Sadyang nakakahanga ang mga taong likas sa kanilang mga pus0 ang pagtulong sa ibang tao. Katulad na lamang ng isang guro sa Iligan City na napakabusilak ng pus0 para sa mga estudyante. Sa panahon natin ngayon na may kinahaharap ng pand3mya, ay ang tanging solusyon lamang para maipagpatuloy pa rin ang pag-aaral ng mga estudyante ay ang ang online class at modular learning.




Ngunit marami sa mga estudyante ang walang kakayahang makapag-aral dahil kinakailangan ng gadgets tulad ng cellphone, tablet o laptop, kinakailangan din ng mabilis na internet upang maka-connect sa klase dahil sa online na din ginaganap ang klase imbis na sa paaralan na delikad0 para sa mga estudyante.

Kaya naman, talagang nakakahanga ang guro na kinilalang si Teacher Melanie Reyes Figuera, 53-anyos, mula sa Iligan City, Lanao Del Norte dahil sa pagbibigay niya ng libreng laptop sa ilang mga estudyante. Sa katunayan ay limang estudyante na ang nabibigyan niya ng laptop.





Si Teacher Melanie ay nagtuturo sa paaral ng Hinaplon National High School. Ang hawak niya ay Grade 10 sa subject na Araling Panlipunan.

Namimili siya ng estudyante na sa tingin niya ay deserving at mas nangangailangan. Tinawag niyang "laptop para sa pangarap" ang kanyang adbokasiya na siyang magbibigay ng libreng laptop sa mga mag-aaral.

"A dreamer whose dream is about to begin. In behalf ni Chrisken, na until now na overwhelmed pa, maraming salamat sa mga donors sa kaniyang new laptop (Acer), my 3 high school batchmates na hindi nagpa-mention."



"Sir naisipan ko po 'yan dahil ito pong mga binigyan ko ng, mga honor students po namin and di po nila afford bumili ng laptop. Just imagine cellphone lang ang gamit sa online class samantalang iyong mga kaklase nila nakalaptop, paano po sila makikipagsabayan nang patas. Kawåwa naman po," pahayag ng guro.

"At ang funds po ay nagmumula sa mga friends ko po sa Facebook. Nagpapadala po kaagad sila everytime may post ako," dagdag pa niya.





"Mas lalo ninyong pagbutihan ang pag-aaral dahil hindi lamang mga guro ang nagsasakripisyo ngayon, kundi maging ang mga magulang na tumatayong partner ng paaralan," saad niya.

"Para sa mga kapwa ko guro, alam kong mahirap ang sitwasyon na kinalalagyan nating lahat, pero kailangan nating yakapin ang anumang meron tayo ngayon. Kung dati, ginagawa natin nang buong husay ang mga trabaho natin noong wala pang pandemya, ngayon pa kaya na mas kailangan tayo?"

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments