Ang pagtuturo ang isa sa pinakamarangal na propesyon sa buong mundo. Maraming mga kabataan ang talagang nagkakaroon ng matinding inspirasyon dahil sa pagtuturo at mga karanasang ibinabahagi nila sa kanilang mga estudyante.
Hindi na rin nakapagtatakang maraming mga kabataan sa ngayon ang nangangarap at nagsusumikap ng husto na maging isang mahusay na guro. Hindi lamang upang makapagturo ng mga bata at malinang ang kanilang murang kaisipan kundi upang matupad rin ang pangarap nilang maging katulad ng iniidolo nilang mga guro.
Ngunit lingid sa mga pangyayaring ito ay kinatakutan ng maraming mga estudyante ang gurong ito sa Paris, France dahilan upang matanggal siya sa kaniyang serbisyo. Si Sylvian Helaine ay isang 35 taong gulang na kindergarten teacher.
Talaga namang napakarami niyang mga “tattoo” sa katawan niya, mula ulo hanggang paa hanggang sa kaniyang dila ay mayroon nito. Maging ang kaniyang mga mata ay pinakulayan niya ng itim.
“All of my students and their parents were always cool with me because basically they knew me. It’s only when people see me from far away that they can assume the w0rst.” Pahayag ni Helaine.
Natanggal siya sa kaniyang serbisyo matapos mayroong magreklamong magulang dahil sa kaniyang pisikal na hitsura. Ang anak kasi ng magulang na ito na isa rin sa kaniyang mga estudyante ay napanaginipan siya at talagang takot na takot nang pumasok ng kanilang eskwelahan.
Ayon naman sa burdadong guro ay nais pa rin niyang magpatuloy sa pagtuturo dahil sa mahal niya ang kaniyang propesyon. Ibinahagi rin niya na nagsimula ang kaniyang hilig sa pagpapalagay ng mga “tattoo” noong nagturo siya sa isang pribadong paaralan sa London.
Dumanas kasi siya noon ng “existential crisis”. Sa kabila ng pagkakatanggal niya sa kaniyang trabaho sa ngayon ay patuloy pa rin siyang umaasang mayroon pa ring tatanggap sa kaniya at sa iba pang taong may mga “tattoo” sa kanilang katawan.
0 Comments