John Prats: “Pagiging isang ama ang “best role” na nagampanan ko sa aking buhay!”




Si John Paulo Quiambao Prats o mas nakilala ng publiko bilang si John Prats ay 36 na taong gulang na aktor, komedyante, dancer, TV host, modelo, at entreprenyur. Taong 1992 pa nang magsimula ang kaniyang karera sa show business.



Kuya siya ng isa pang mahusay na aktres at host na si Camille Prats. Talaga namang marami ang humahanga sa kaniya hindi lamang sa kaniyang angking talento kundi maging sa kaniyang kabutihang-loob at pagiging isang mabuting haligi ng tahanan sa kaniyang sariling pamilya.

Nagsilbing inspirasyon si John sa publiko matapos nang naging panayam sa kaniya sa programang “I Feel U”. Ibinahagi niya rito ang kaniyang “parenting style” sa kaniyang mga anak lalo na sa ngayon na isinilang na ng kaniyang misis na si Isabel Oli ang kanilang ikatlong anak.



Nais nilang mag-asawa na mapalaki ng maayos ang kanilang mga anak na sina Feather, Freedom, at Forest. Masayang masaya sila dahil nakikita nilang nagtutulungan ang kanilang mga anak kahit nasa murang edad pa lang ang mga ito.




Kahit sa mga simpleng bagay sa araw-araw tulad na lamang ng pag-inom ng tubig ay nagtutulungan ang magkakapatid. Para kay John, ang kaniyang asawa at mga anak ang nagsisilbing inspirasyon niya ngayon.

Ang pagiging isang ama ang naging pinakamagandang bagay na nangyari sa kaniyang buhay. Dagdag pa niya sa dami ng mga role na kaniyang nagampanan, ang pagiging isang ama ang “the best role” para sa kaniya. Sa katunayan nga ay hindi pa man siya nakakadalo sa isang “parenting seminar” ay tila ba natural na lumalabas ang pagiging responsableng ama niya nang isilang ang panganay nilang anak na si Feather.




Sa tuwing pagod siya sa trabaho ay napapawi ito kaagad sa tuwing uuwi siya ng kanilang tahanan at makakasama ang kaniyang mga anak at kaniyang asawa. Kung kaya naman napakalaking pasasalamat niya sa Diyos dahil sa biniyayaan siyang magkaroon ng masaya at kumpletong pamilya.

Hindi lahat ay nabibiyaan ng ganitong klaseng pamilya kung kaya naman karapat-dapat lang talagang pahalagahan natin ito at ipagpasalamat.





Post a Comment

0 Comments