Mga Pulis sa Abra, Tumulong sa mga Bata na Sagutan ang Kanilang mga Modules!




Dahil sa pand3mya ay maraming tao ang naapektuhan. Marami ang nawalan ng trabaho, may mga establisyamentong nagsara, may mga negosyong nalugi, ang mga kababayan natin mahiråp noon ay mas lalong naghirap pa ngayon, may mga nawalan ng mahal sa buhay, at ang mga mag-aaral ay sa bahay na lamang nag-aaral imbis na sa paaralan.




Ginagawa naman ng ating pamahalaan ang kanilang mga tungkulin upang masigurado ang kaligtasan ng mga Pilipino. Gayunpaman, ay kinakailangan pa rin nating makiisa at tumulong upang hindi tayo mapabagsåk ng pand3mya.

Ilang kapulisan naman sa Abra ang hinangaan ng marami dahil tinuulungan nila ang mga mag-aaral na sagutan ang kanilang mga modules.




Noong nakaraang taon ay online class at modular learning ang naging susi upang mapagpatuloy ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral. Ngayon nga ay nagsimula muli ang panibagong taon sa pag-aaral.

At talaga namang mahiråp na matuto gamit lamang ang modules. Maswerte ang ibang mga estudyante kung may mga gumagabay sa kanila na may sapat na kaalaman tungkol sa mga aralin sa paaralan.




Kaya naman nakakatuwang isipin na ang mga kapulisan natin na alagad ng batas ay kusang-loob na tumutulong sa mga bata na maintindihan ang mga nakasulat sa modules at upang matuto.



Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments