Dahil sa pandemyang COVID-19 ay marami nang nabago sa mga bagay na nakasanayan natin noon. Isa na sa mga ito ang pagkakaroon ng mga “online classes” ng mga mag-aaral.
Hindi na kasi muna pinahintulutan ang pagkakaroon ng “face-to-face” o tradisyonal na pag-aaral ng mga kabataan upang maiwasan na rin ang paglaganap ng nakakahawang sakit na ito. Marami ang nalungkot, nagalit at nadimasya dahil dito ngunit mayroon din namang iilan na nakuntento na lamang sa ganitong pamamaraan dahil sa ayaw din nilang isapalaran ang buhay at kaligtasan ng kanilang mga anak.
Kamakailan lamang sa halip na magreklamo o magpahayag ng kaniyang sama ng loob sa naging “online class” at “module-based learning” ng mga mag-aaral ay tila nagdulot pa ng “good vibes” sa maraming mga netizens ang nanay na ito matapos niyang ibahagi ang nakakatuwang bahagi na nabasa niya sa module ng kaniyang anak.
Ayon kay Kristine Joy Rivera, 25 taong gulang, tinutulungan niya ang kaniyang anak sa aralin nito ngunit tila naguluhan siya dahil tanong sa module ng kaniyang anak. Ang tanong kasi sa module na iyon ay anong tunong ang nalilikha ng isang eroplano.
Ang mga pagpipiliang sagot ay “weng-weng-weng”, “eng-eng-eng”, “wii-wii-wii”, at “pipip-pipip-pipip”. Nahirapan si Kristine sa tamang sagot para sa tanong na ito kung kaya naman humingi siya ng tulong sa kaniyang mister, maging sa kaniyang mga pamangkin ngunit kahit sila ay wala ring alam na tamang sagot para rito.
Kung kaya naman sinubukan na niyang humingi ng tulong sa mga netizens sa pamamagitan ng pagpopost nito sa Facebook.
“Noong binasa ko ‘yun, tagal ko pang inisip kung ano ba talaga ang sagot doon? Nagtanong pa ako sa asawa ko at sa mga pamangkin ko, pero ‘di rin nila alam, kaya ipinost ko ‘yun,” Pahayag ni Kristine.
Nasorpresa naman siya ng husto ng maging viral ang kaniyang post dahil sa nais lang naman talaga niyang malaman ang tamang sagot para matulungan ang kaniyang anak na nasa unang baitang pa lamang.
0 Comments