Si Lola Francisca T. Monte- Susano ay ipinanganak noong September 11, 1897 at ngayong kaarawan nya ang 124- taong na si lola. Si Lola ay tinagurian bilang " Oldest Living Filipino" na nakatira sa bayan ng Kabankalan City, Negros Occidental, Philippines.
Pero hindi lamang ang kaarawan ni lola Francisca ang kanilang pinagdiriwang, dahil ang isa sa mga anak ni lola na si lola Magdalena ay lumampas na din sa 100 ang edad. Sabi naman ng mga kamag anak nila ay madalas daw nilang kainin ay mga gulay lamang kaya pinaniniwalaan nilang isa ito sa mga sektreto kung bakit nila napahaba ang kanilang mga buhay.
14 ang lahat ng naging anak ni lola Francisca at ianabot pa nya ang 16 na presidente, mula pa kay Aguinaldo hanggang sa kasalukyan nating presidente ngayon na si Rodrigo Duterte. Bilang libangan naman ang tumutugtog si lola ng Harmonica at kung minsan ay ito narin nag sisilbing exercise tuwing umaga.
Kamakailan lang ay nagtulungan sina Raffy Tulfo at Senator Manny Pacquiao para mapasaya ang lola na 101 anyos na. Kwento kasi ni lola, ay idolo niya daw ang dalawa kaya naman ay niregaluhan niya ang mga ito ng ginagawa niyang mga handicrafts. Dahil dito, ay sasadyain daw nina Tulfo at Pacquiao ang lola sa Oktubre upang lalong sumaya ang kaarawan nito. Hinandugan din ni Pacquiao ang kanyang fan ng Php101,000 sa pag-abot nito ng edad na 101 habang si Tulfo naman ay nagbigay ng karagdagang Php50,000.
Source: Noypi Ako
0 Comments