Watch! Anak, Naluha nang Malaman ang Dahilan Kung Bakit Hindi Sumasabay Ang Kanilang Ama sa Hapunan!




Lahat ng pagsasakripisyo ay kayang gawin ng isang ama katulad na lamang ng nagviral na video kamakailan lang. Dito ay makikita kung paano kumakain ng palihim ang ama ng dis oras ng gabi. Kaya naman, ikinagulat ng anak na kaya pala sa tuwing hapunan ay hindi sumasabay ang ama dahil sa hating gabi pala ito kumakain.




Madalas ay sinasabi ng ama na busog na ito para hindi mkaasabay sa hapunan ng magkapatid. Ito ay para ipaubaya na lamang sa kanyang mga anak ang ulam. Palaging bumabangon ito ng hating gabi para kumain at ang mas nakakagulat ay ang inuulam nito. Bagoong at sibuyas ang inuulam nito upang kahit papaano ay magkalasa ang kanyang pagkain.

Kuwento pa ng anak, Marso 18, 2021 nang maaksidënte ang kanyang ama na naging dahilan para mahirapan siyang kumilos ng maayos. Ngunit, hindi ito pinapahalata ng kanilang ama.

Ani pa ng anak, hindi na din siya nakapag enroll sa kolehiyo dahil wala ng pinagkakakitaan ang ama dahil sa nangyaring aksidënte sa kanya. Naapektuhan ang kanang kamay nito at imposible ng makabalik sa trabaho bilang OFW. Dahil dito ay nananawagan siya ng tulong sa programa ng Raffi Tulfo in Action.





Narito ang kabuuang post:

"Ang Tatay kong Palihim kung Kumain."

Ganito pala ginagawa ni papa pag tulog na kami, Kumakain sya ng hating gabi. Tuwing hapunan Hindi sya sumasabay saamin, laging tapos na o busog pa daw. Kaya pag kakain na kami sya lang wala, Yun pala sa gabi sya Kumakain. Dahil pinapaubaya nalang saamin ang ulam, Laging syang bumabangon tuwing ganitong oras hinahayaan ko pero nakaraang gabi sinundan ko sya na hindi alam.

Tumulo luha ko nung Nakita ko sya na Kumakain na Ang ulam ay BAGOONG AT SIBUYAS kinuhanan ko ng video ng hindi nya alam para I post ko sa FB si papa Kasi nasag4sahan ng truck noong MARCH 18, 2021 na Hanggang Ngayon ay Wala pang nangyayari sa kanyang Kas0 Ang pag ka alam ko ay di pa tapos mag-aanim na buwan na Hanggang ngayon Halata ko Kay papa na hiråp syang kumilos dahil sa kanyang pilay na hindi pinapahalata sa Amin mag kapatid




sana po tulungan nyo ako na iparating Kay sir RAFFY TULFO Ang problema ng aking tatay sobrang naawa napo ako sa tatay ko.ako man din ay Hindi na Makapag enrol s college dahil walang pera Hindi Makapag trabaho si papa.Hindi na ako naka pag-enroll dahil sa aksid3nte na nangyari sa tatay ko Isa po syang OFW Ngayon Malabo na sya makabalik dahil BALI ANG KANYANG KANANG KAMAY. Maraming salamat po sana ay matulungan nyo po kami na makarating Kay sir RAFFY TULFO, Na ang hangad po namin ay hust!sya Hindi pera.




Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments