Pangangalaga sa ating mga ngipin at tamang pagsisipilyo ating tandaan upang maingatan at maprotektahan ang ating mga ngipin!





Isa ka ba sa mga taong nakakalimot nang magsipilyo ng maayos dahil sa sobrang antok o di kaya naman ay sa sobrang pagod? Hindi natin ito dapat ipagsawalang-bahala dahil ayon sa ilang mga pag-aaral ay nababawasan ng tatlong taon ang ating buhay kung palaging sira ang ating mga ngipin.



Marahil ay madalas na nating marinig sa ating mga guro o sa ating mga magulang ang wastong paglilinis ng ating mga ngipin. Ayon sa ibinahaging paalala ni Doc Willie Ong sa kaniyang Facebook page ay dapat raw na nakatagilid ang toothbrush ng 45 degrees na anggulo sa tuwing magsisipilyo.




Masama rin ang madiin na pagsisipilyo, dapat ay marahan lamang. Ang wastong pag-brush ng mga ngipin at pataas at pababa, mula sa pagitan ng mga gilagid at ngipin.




Dapat din daw ma-brush ang bawat isang ngipin ng 10 beses upang mas matanggal ang mga dumi na nasiksik sa ngipin. Mas makabubuti ring unahin ang ibabang bahagi ng ngipin bago ang itaas.



Dapat ay paabutin ng 3 minuto ang pagsisipilyo. Narito pa ang ilang mga bagay na dapat tandaan upang mapangalagaan natin ang ating mga ngipin:




    1. Kung hindi pa kayang magsipilyo pagkatapos kumain ay magmumog na muna ng maigi sa banyo.
    2. Mabuti ring gumamit ng “dental floss” kahit isang beses sa loob ng isang araw.
    3. Bumili ng “tongue cleaner” dahil ayon sa ilang mga pag-aaral ay napatunayan na itong nakakabawas ng mabahong hininga at mga bacteria sa bibig.
    4. Iwasan ang kumain ng mga matigas na pagkain. Dahan-dahan lamang sa pagkagat lalo na ng baboy, baka, butong pakwan at marami pang iba.
    5. Iwasang kumain ng mga pagkain na matatamis tulad ng kendi at tsokolate dahil sa nakasisira ito ng ngipin. Palaging uminom ng tubig o magmumog kung kakain ng mga ito.
    6. Huwag hayaang makatulog ng may “feeding bottle” pa ang inyong mga anak. Painumin siya ng tubig pagkatapos dumede upang hindi masira ang kaniyang mga ngipin.
    7. Huwag nang uminom ng mga inuming may kulay tulad ng softdrinks at mga tsaa. Iwasan rin ang paninigarilyo dahil nakakadilaw ito ng ngipin.
    8. Tuwing anim na buwan ay huwag kalimutang magpakonsulta sa dentista.

Source: Facebook





Post a Comment

0 Comments