Crispy dahon ng langka, ulam tip para sa mga nagnanais magtipid ngayong ECQ!





Isa na yata talaga sa pinakamahirap na tanong sa araw-araw ang “Ano ang ulam?”. Tila ba walang katapusang tanong para sa maraming mga pamilyang Pilipino.

Ngunit makalipas ang ilang mga oras ay nasosolusyunan din naman ng ilang miyembro ng pamilya. Hindi madaling mag-isip at magplano ng ulam sa araw-araw ngunit mas mahirap din talagang mag-budget lalo na ngayong panahon ng pandemya.



Nakakalungkot mang isipin na mahigit isang taon na rin buhat nang una nating maranasan sa bansa ang mas marami pa rin tayong dapat ipagpasalamat dahil sa ligtas pa rin tayo at ang ating pamilya sa araw-araw. Isa na marahil sa naging mabuting epekto ng pandemyang ito ay ang pagiging mas malapit natin ngayon sa ating mga mahal sa buhay.




Gayundin naman ay mas natuto tayong pahalagahan ang mga bagay na tinatangkilik natin. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang ilang mga ulam na maaaring gawin upang mas makatipid ngayon panahon ng Enhanced Community Quarantine o ECQ.




Isa na sa mga ito ang “crispy dahon ng langka” o jackfruit leaves. Napakadali lamang lutuin nito dahil sa harina o corn starch lamang ang kailangan, itlog, pampalasa tulad ng paminta at asin, dahon ng langka at mantika.






Marahil hindi ito pangkaraniwang niluluto ng ilan sa atin ngunit masarap din naman ang kinalabasan nito ayon sa ilang mga nakapagluto na nito. Ilan pa sa mga dahon na maaaring lutuin ng ganito ang kang kong, pechay, alugbati, at saluyot.

Umani ito ng ilang mga komento at reaksyon mula sa publiko. Narito ang ilan sa mga naging pahayag nila:

“Ang alam ko, puwedeng gawing crispy ang pechay, saluyot, at kangkong… pero ang dahon ng langka? Puwede pala iyan! Masubukan nga minsan!” sabi ng isang netizen.

“Dahon ng sampaloc, kinakain namin, masarap na dahon iyon, yung light green pa… pero Crispy Dahon ng Langka? Why not!” komento naman ng isa pang netizen.

“Naku… wala yang mga dahon ninyo… mas masustansiya po ang dahon ng alingatong… herbal medicine pa po… try ninyo,” pagbabahagi naman ng isa pa.


Source: Facebook





Post a Comment

0 Comments