Watch | Murå, Pinasalamatan ang Pumanåw na Kaibigan: "Mahal, sana masaya ka sa iyong paroroon"




Umingay sa social media ang balitang binawiån ng buhay si Mahal nitong Agosto 31. Maraming tao ang nalungkot at nabigla sa pagkawala ng komedyante at kabilang na rito ang dati niyang kalove-team na si Murå. Matatandaan pa na kamakailan lang nang bisitahin ni Mahal at Mygz Molino si Murå sa Bicol para kamustahin ang kalagayan nito at bigyan ng tulong.




Sa isang interview kay Murå ay ipinalangin nito na sana ay masaya na si Mahal sa kanyang pinaroroonan, "Mahal, sana masaya ka sa iyong paroroon at nagpapasalamat ako sa 'yo at pinuntahan mo ako dito. Binigyan mo ako ng tulong"

Nakikiråmay din siya sa mga kaanak at pamilya ni Mahal at humingi ng tawad na hindi ito makakarating gawa ng pand3mya, "At sa mga kamag-anak niya, nakikiramay ako, gustuhin ko man na pumunta diyan pero papaano, mahirap ngayon eh. Pasensya na po"





Labis din ang panghihinayang niya habang ikinukwento na gagawa pa umano sila ng pelikula, "Meron na sana kaming gagawin lalo na pelikula, eh hindi ko pa talaga siya nakasama sa pelikula sa mga ano lang gag show sa TV kasama ko siya pero sa pelikula never ko pa siyang nakasama"




Si Noemi Tesorero o mas kilala bilang "Mahal" ay sumikat sa mundo ng komedya. Kabilang sa kanyang mga nagawang pelikula ay Id'Nal (Mapusôk) (2012), Kokey (1997) at Mr. Suave (2003). Muling naging maingay ang pangalan ng komedyante matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang mga video niya kasama si Mygz Molino. Habang si Allan "Murå" Padua naman ay mula sa Guinobatan, Albay. Una siyang nakilala nang sumali siya sa isang contest sa Masayang Tanghali Bayan. Pinakilala siya noon bilang kakambal ni Mahal Tesorero. Nang humina naman ang kasikatan ng tambalang Mahal at Murå, isinapubliko ang tungkol sa tunay na kasarian ni Murå.



Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments