124-Anyos na Lola, Naabutan ang Lahat ng Pangulo; Anak ni Lola, Isa Na Ring Centenarian!




Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang isang lola mula sa Negros Occidental. Kinilala ang lola na si Francisca Susano o "Lola Isca". Nagdiwang ng ika-124 si Lola Isca nitong Setyembre 11. Marami ang namangha dahil nabibilang na sa panahon ngayon ang mga taong tumutuntong ng 100-taon pataas.




Binanggit ni Lola Isca ang kanyang sikreto kung paano niya napapanatili ang malakas, masigla at malusog na pangangatawan. Aniya, mahilig umano siyang kumain ng prutas at gulay.

Sa edad ni Lola Isca ay nabanggit rin niyang naabutan niya ang labing-anim na Presidente ng Pilipinas mula kay Pres. Aguinaldo hanggang sa kasalukuyang Pangulo na si Pres. Duterte. Bukod pa rito, ang isang anak ni Lolo Isca ay kasalukuyang nasa edad 101-anyos na rin at isa ng centenarian.




Taong 1897 nang ipanganak si Lola Isca. Kaya naman, ang kanyang pamilya at mga netizens ay nais siyang kilalanin ng Guinness Book of World Record bilang the oldest living person.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments