36 taon siyang hindi gumastos kahit isang singko mula sa sarili niyang pera at gumamit lamang ng mga “vouchers”!




Sa edad na 71 taong gulang ay talagang namangha ang publiko sa kakaibang diskarteng ito ng Hapon na nakilala bilang si Kiriya Hiroshi. Sa loob kasi ng 36 na mga taon ay hindi siya gumastos kahit isang sentimo mula sa sarili niyang pera dahil sa paggamit niya ng mga “vouchers”.



Ayon sa ilang mga ulat ay mayroon naman siyang investment o stocks na nagkakahalaga ng 300 million yen o $2.9 million ngunit sa kabila nito ay talaga namang pinili pa rin niyang gumamit ng mga vouchers kaysa gastusin ang sarili niyang pera. Ayon sa naging pahayag niya sa isa sa mga naging panayam sa kaniya ay nag-invest na siya sa stocks sa edad na 35 taong gulang.



Nalaman niyang binibigyan pala ang mga vouchers ang mga investors sa Japanese stock market upang magamit nila sa ilang mga bagay o pagkain. Dahil sa wais niyang pagpili sa mga kompanyang paglalagakan niya ng kaniyang pera ay nakakatanggap din siya ng maraming mga “vouchers” na kaniyang ginagamit para sa kaniyang mga pangangailangan.


Sa ngayon ay mayroon na siyang stocks sa higit 900 na mga kompanya at nakakatanggap siya ng daan-daang vouchers kada taon. Hindi pera ang laman ng kaniyang pitaka kundi maraming mga vouchers. Ito ang kaniyang ginagamit pangbili ng pagkain, pambayad ng kaniyang mga bills, panggastos sa kaniyang pagbiyahe at pamamasyal at kahit pambili pa ng bike!



Kahit pa nga mayroon na siyang $3 million na halaga ng kaniyang stocks ay bisikleta lamang ang kaniyang ginagamit at hindi kotse. Sa kaniyang edad at sa yaman na mayroon siya ay mas pinipili pa rin niyang mamuhay sa paggamit lamang ng kaniyang mga “vouchers” na ginagawa niya ng higit sa tatlong dekada na hanggang sa ngayon.




Inulan naman ng maraming mga komento mula sa mga netizens ang nakakamanghang diskarte na ito ni Kiriya Hiroshi. Para sa kanila wala namang masama sa pagiging praktikal ngunit sa kaniyang edad ay dapat na niyang sulitin ang bawat sentimong kaniyang pinaghirapan sa lumipas na mga dekada.





Post a Comment

0 Comments