Aktres na si Isabel Rivas, pinamigay pala ng sarili niyang ina noong siya’y sanggol pa lamang!





Marami sa atin ang lumaki sa isang masayang pamilya ngunit lingid sa ating kaalaman ay mayroon ding mga tao ang mayroong hindi magagandang karanasan sa kanilang mga kapatid, magulang at iba pang kamag-anak. Halimbawa na lamang ay ang naging masalimuot na karanasan ng aktres na si Isabel Rivas kung saan ipinamigay pala siya ng kaniyang ina noong sanggol pa lamang siya.


Si Marilou Yap Gumabao o mas nakilala ng publiko bilang si lsabel Rivas ay 61 taong gulang na aktres at businesswoman. Siya ay nababatang kapatid ng sikat ding aktor na si Dennis Roldan.
Marami sa kaniyang mga tagahanga ang nagulat nang ibahagi ni Isabel sa publiko ang isa sa mga masalimuot niyang pinagdaanan noong bata pa siya. Ayon sa batikang aktres ay ipinamigay siya ng kaniyang sariling ina noong sanggol pa lamang siya dahil sa ubod daw siya ng pangit.




Noon pa man ay batid na niyang inampon lamang siya ng kaniyang tiyahin na mama ang kaniyang tawag dahil sa madalas namang dumadalaw sa kanila ang kaniyang tunay na ina na mommy kung kaniyang tawagin kasama ang iba niyang mga kapatid. Ngunit ang mga katagang “because you are the ugliest of them all” ang talagang tumatak sa kaniyang puso at isipan sa edad na siyam na taong gulang.


Labis siyang nasaktan sa mga salitang ito ngunit ginamit niya ito upang mas magtagumpay siya sa buhay. Natuto siyang maging matibay, matapang at may paninindigan.



Ipinahayag din naman niyang nagkaroon sila ng pag-uusap ng kaniyang ina bago pa man ito mamatay noong taong 2009 kung saan siya ay lumuhod at humingi ng tawad kay Isabel dahil sa kaniyang mga nagawang kasalanan. Tunay nga na hindi madali ang pinagdaan niya noon ngunit hindi niya ito ginamit upang mapariwara sa buhay o magtanim ng sama ng loob sa kaniyang ina at mga kapatid bagkus ay ginamit niya ito upang mas maging matagumpay sa buhay.


Hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi maging sa kaniyang magiging sariling pamilya.







Post a Comment

0 Comments