Sa tuwing mapag-uusapan ang ating kabataan, tiyak na napakaraming mga alaala ang tila muling nagbabalik sa atin. Hindi lamang mga nakakatawa at nakakahiyang karanasan o di kaya naman ay mga nabigong pag-ibig ang madalas natin binabalikan noong ating kabataan kundi maging ang mga bagay o maging ang mga taong nagsilbing inspirasyon natin.
Talaga namang nakatatak na sa ating mga puso at isipan ang bahaging ito ng ating buhay. Isa na marahil sa mga alaalang ito ay ang kinahumalingan nating programa na Meteor Garden noong taong 2001. Naging bahagi na ng ating masayang kabataan noon ang mga karakter nina Shan Cai, Dao Ming Si, Hua Ze Lei, Mei Zuo at Xi Men.
Hindi tulad ngayon na maaari na nating mapanuod at balik-balikan ang lahat ng mga teleserye at mga pelikulang gusto natin, noon ay imposible ito. Tanging sa “live TV” lamang kasi natin sila mapapanuod at kung mahuli tayo ng pag-uwi galing eskwela ay tiyak na hindi na natin maabutan ang palabas na Meteor Garden o di kaya naman ay hindi na natin mapapanuod pa ang pinakaaabangan nating eksena.
Maliban na lamang kung mayroong magiging “replay” sa telebisyon ng Sabado at Linggo. Dahil sa masasayang alaala na mga ito ay hindi natin mapigilan na makaramdam ng “nostalgia” o tila ba isang pakiramdam na mas nagiging sentimental tayo sa isang tao, bagay o pangyayari.
Hindi na nakapagtatakang marami ang nasorpresa at labis na natuwa nang muli nilang masilayan sa harapan ng kamera si Jerry Yan. Talaga namang napakakisig at napakagwapo pa rin nito kahit pa nga 19 na taon na ang nakalilipas nang mapanuod natin siyang gumanap bilang si Dao Ming Xi.
Kamakailan lamang ay ibinahagi ng FB Page na Kapamilya Online World ang bagong kuhang larawan ng sikat na aktor. Ayon sa naturang post ay mapapanuod na siyang muli sa Tagalized (dubbed) version ng “Count Your Lucky Stars” sa bansa.
0 Comments