Maraming mga nakakabilib at nakakamanghang mga bagay maaari nating maranasan sa ating buhay. Hindi natin alam kung kailan mababago ang ating mga buhay dahil dito. Tulad na lamang halimbawa ng isang lalaking ito na taga- Negros Occidental na diumano ay nakahukay ng daan-daang piraso ng “Japanese money”!
Sa Facebook page na “Memories of Old Manila” ay ibinahagi ni Carlito Gajo ang patungkol sa napakaraming “Japanese money” na hindi niya inaasahang matagpuan. Talaga namang nagbigay ito ng matinding pag-asa sa kaniya dahil sa baon talaga ang kanilang pamilya sa utang ngayon.
Matagal na rin nilang pinapagamot ang misis niyang mayroong malalang karamdaman kung kaya naman talagang dinadalangin niya noon pa ang ganitong klase ng himala para sa kaniyang pamilya.
“Nakahukay ako ng kahon na may laman na pera ng Japanese government. Sana may halaga ito para matustusan sa pagpapagamot ang misis ko na mayroong lupus. Kinabahan ako at umiyak ako. Sabi ko baka ito na suwerte ko na makaahon ako sa kahirapan.” Pahayag ni Carlito.
Nito lamang ika-18 ng Oktubre ay naitampok siya sa sikat na magazine show na “Kapuso Mo, Jessica Sojo” kung saan niya nalaman ang tunay at kabuuang halaga ng kaniyang hawak na mga salapi. Ayon sa isang historian at journalist na nakilala bilang si Modesto Saunoy, ang mga nahukay na perang ito ay tinatawag na mga “JIM” o “Japanese Invasion Money” na ipinakalat ng mga Hapon sa bansa noong WWII.
Ayon naman sa isang eksperto sa pera, “collector’s item” nang maituturing ang mga perang ito na maaaring magkahalaga ng Php50 hanggang Php100 bawat piraso. Ngunit kapansin-pansin na hindi na maayos ang kondisyon ng mga perang ito kung kaya naman nasa Php20 na lamang ang halaga ng mga ito.
Nakapagbenta na din si Carlito noon ng isang kulay dilaw na barya kung saan nakatanggap siya ng Php22,100 bilang kabayaran. Ang barya palang ito ay isang “Alfonso Gold Coin” na nasa Php30,000-Php50,000 ang halaga bawat piraso.
Maaari din umanong umabot sa Php600,00 hanggang Php1,000,000 ang halaga nito kada isang piraso. Sa kabila ng pangyayaring ito ay masaya pa rin ang pamilya ni Carlito dahil sa tinulungan pa rin sila ng programa dahil sa sinagot nito ang isang buwang pagpapagamot ng kaniyang misis at pinaabot din ang kanilang sitwayson sa ospital ng kanilang bayan.
0 Comments