Batang Babae, Nag-Donate ng Gulay sa Isang Community Pantry sa Kanilang Lugar Matapos na Makatanggap ng Biscuit!




Sa panahon ngayon, ang karamihan sa mga kabataan hindi na nakakalabas ng bahay gawa ng pand3mya. At bago pa man pumasok sa ating bansa ang pand3mya, ay madalang na taong makakita ng mga batang naglalaro sa labas. Mas madalas na paglalaro sa gadgets ang ginagawang libangan ng mga bata sa henerasyon ngayon.




Isang nakakatuwang kuwento naman ang nagpaantig sa mga netizens dahil sa ginawa ng isang babae na nagpakita ng malasåkit sa iba.

Sa kwentong ibinahagi ng twitter user na si juneerubyjane, ay tiyak na magugulat kayo sa ginawa ng isang bata sa kanilang community pantry. Ayon rito ay may isang batang babae umano ang dumaan sa community pantry at humingi ng biscuit. Nang maabutan ito ay nagpasalamat ito bago umalis. Makaraan umano ang ilang minuto ay tumatakbo pabalik sa kanila ang bata na nakangiti at may dalang malunggay.




Hindi inaasahan ng mga pantry ogranizers ang kabutihan ng batang babae. Pagkukuwento ng bata, ay bigay niya ang malunggay dahil marami umano nito sa hardin ng lola niya. Hindi inaasahan ng mga pantry ogranizers ang kabutihan ng batang babae. Pagkukuwento ng bata, ay bigay niya ang malunggay dahil marami umano nito sa hardin ng lola niya.

Nakilala bilang si Aya ang batang babae, at pabalik-balik pa itong nagdonate sa community pantry. Nag dala rin ito ng patola at kamote na mga tanim rin umano ng kanyang lola. Nakakatuwa isipin na sinuklian ni Aya ang biscuit na natanggap nito ng iba’t iba pang gulay. Ibinahagi naman ang kwentong ito sa social media at umani ng 11,000 retweets at 60,000 na favorites.

Marami sa ating mga kababayan ang hikaos man sa pamumuhay ay buong puso pa rin magbigay sa kanilang kapwa. Tunay na inspirasyon si Aya na maging matulungin at mapagbigay dahil lahat tayo ay apektado ng pandemya ano man ang estado natin sa buhay.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments