Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang drayber na ito dahil sa agaran niyang pagtulong sa isang batang nasiraan ng bisikleta nito sa tabing daan. Ayon sa netizen na mayroong username na Riot284, paliko na dapat ang bus na kanilang sinasakyan nang mayroong makitang batang patawid ang drayber nito.
Napansin niyang tila may problema ang bata kung kaya naman ibinaba niya ang kaniyang bintana at tinanong kung anong problema nito. Nang mapansing walang matandang kasama ang bata aykaagad na bumaba ang drayber at tinulungan ang batang umiiyak.
Nasira pala kasi ang kadena ng kaniyang bisikleta at hindi niya ito maibalik.
“The bus was about to make a right turn when the kid was crossing the street on his bike slowly, visibly ***!ng with no parents nearby. As the driver was turning he asked out the window if he was okay, so he got out of the bus to make sure he wasn’t hÃœrt or something bad had happened. All it turned out to be was the chain on the bike appeared to have fallen off, so he hooked it back on for him and got back on the bus.” Pahayag ni Riot284.
Inulan ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko ang ginawang ito ng drayber. Marami ang nagsasabing isa siyang huwaran dahil hindi naman lahat ng tao ay magagawang iwanan sandali ang kanilang trabaho para lamang tulungan ang isang batang nangangailangan.
Mayroong ilang mga netizens na nagsasabing hindi dapat iniwanan ng drayber ang kaniyang bus at ang kaniyang mga pasahero kahit sandali lamang dahil marami din sa kanila ang mayroong mga trabaho at hinahabol na oras. Ngunit para sa nakararami ay wala namang masama sa ginawang ito ng drayber lalo na kung ang kaniyang nais ay tulungan ang batang nangangailangan.
Tunay nga na marami pa ring mga tao ang mayroong mabuting kalooban na nagnanais na tulungan ang kanilang kapwa kahit sa pinakasimpleng pamamaraan na alam nila. Talaga namang marami ang sumaludo sa ginawa ng drayber na ito.
Ikaw, ano ang iyong gagawin kapag mayroon kang nakitang nangangailangan, bata man o matanda?
0 Comments