Estudyante, Nag-apply Bilang Janitor Para May Pambili ng Project sa Paaralan!




Sa bawat kabataan ay may mga pinalad na magkaroon ng mga bagay na madaling makuha at mayroon din namang pinaghihirÄpan muna bago nila makuha. Isang estudyante na nagngangalang Kervy James Villarejo, grade 5 student, na nag-aaral sa Jose Catolico Sr. Elementary School, Gen. Santos City. Si Kervy ay nagmula sa mahirÄp na pamilya at aminadong kinakapos. Gayunpaman, masipag at matiyaga si Kervy sa kabila ng sitwasyon at ito ang nakakahanga sa kanya.




Nag-viral sa social media ang isang post ni Chriszel Singson Vicente na empleyado ng isang insurance company kung saan ay ibinahagi nito ang nakakaantig pus0ng kwento ni Kervy.

Kuwento ni Chriszel, si Kervy ay kumatok umano sa pintuan ng kanilang office para mag-apply ng trabaho bilang isang janitor upang makabili ng kaniyang school project.

"Na curious kaming lahat, pinapasok namin. Nasa booth ako noon, lumabas ako para kausapin siya. Sa totoo lang, naawa ako, kasi sa office may suki na talaga ako na lumalapit at binibigyan ko every month. Itong si Kervy, iba. Nag offer ng service .. napahanga niya talaga kaming lahat, tapos pag interview namin sa kanya ang hirap pala ng current situation nya." ayon kay Chriszel




Kuwento naman ni Kervy, naninirahan umano siya sa kanyang lola kasama ang tatlo pa nitong kapatid na magkakaiba ang tatay. Ang kanyang tunay na ama ay matagal na umanong sumakabilang-buhay habang ang kanyang ina naman ay mayroon ng ibang kinakasamang lalaki na hindi nagbibigay ng suporta sa kanila.

"11 years old si Kervy ngayon, ka edad ko lang yung mama nya nung pinanganak siya. Same age nung pinanganak ko anak ko at 21. Personally, masÄkit talaga sa akin bakit ganun ang sitwasyon niya. As a single mom, masÄkit talaga. KawÄwa si Kervy. Pero ang swerte [ng pamilya nya] sa kanya. [Si Kervy] ay masipag, may pangarap." dagdag pa nito

Narito ang kabuuang post ni Chriszel:

"Siya po si Kervy James Villarejo, Mag-aaral ng Jose Catolico Sr. Elementary School. Grade 5 student.

"Siya po ay kumatok sa pinto ng opisina namin nagtatanong kung may ipapagawa daw kami. (Mop sa sahig, Walis or may ipapalinis) yung perang malilikom niya ay ipambibili ng project sa school.

"Tinanong ko siya ano ang pangarap niya paglaki. Sagot niya: "PILOT PO"

"God Bless your future Pilot Kervy..Maka amaze bata, Keep it up Kervy..

"Hindi po namin siya pinalinis. Hehe! kinausap nalang namin. Babalik daw siya para ipakita yung project na nabili.

"(Ako po ay isa ding single mom ginagawa lahat para maprovide ang pangangailangan ng anak ko, masakit para sa amin na ganito ang kalagayan ng batang si Kervy pero nakaka proud talaga siya.. #BatangmayLaban)

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments