Isang Ama, May Inamin: "Hindi ko ikinahihiya ang baby ko na may bingot, ayoko lang talagang mag-post"




Isang ama na kinilalang si Andika Putera, ang nagbahagi ng kuwento patungkol sa pagkakaroon ng anak na may cleft palate o "bingot" at ang mga pagsubok na dumating sa kanyang pagiging isang ama at asawa. Si Andika ay isang negosyante, motivational speaker at social media celebrity sa Malaysia. Inamin niya sa publiko na may anak siyang may cleft palate at hindi niya iyon ikinakahiyå.




Ang pagsub0k na dumating kay Andika at sa kanyang misis ay nalampasan nila. Sa katunayan, naging positibo lamang ang kanilang pagtanggap sa pagsub0k at naging mas malaki pa ang kanilang pananalig sa Diyos.

Inamin ni Andika na noong una ay nalungk0t siya ng matuklasang may cleft palate ang kanilang anak dahil naisip niya ang magiging kinabuksan nito. Hindi rin nagtagal ay mas nanaig ang tiwala nila na isang biyaya ang ibinigay sa kanila ng Diyos.





Nalaman nilang may kondisyon ang kanilang anak ng makita sa pamamagitan isang scan noong ito ay limang buwang gulang pa lamang.

Kinuwento rin ni Andika na nahiråpan rin na i-breåsfeed ang kanilang anak. Hindi ito makasipsip ng maayos dahil sa butas nito sa bibig.

Gayunpaman, hindi niya ikinakahiyå ang kanyang anak. Naghintay lamang siya ng ilang buwan at inilabas na rin niya ang larawan ng anak at ibinahagi sa social media.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments