Edukasyon ang isa sa pinakamahalagang bagay na nais ipamana ng mga magulang sa kanilang mga anak. Para sa mga magulang, ito lamang ang magagawa nila para sa kanilang mga anak upang masigurong magkakaroon ang mga ito ng magandang kinabukasan.
Bagamat hindi ito magiging madali dahil na rin sa hirap ng buhay natin sa ngayon at sa napakaraming mga sagabal sa buhay, nagawa pa rin ng mga magulang na ito na mapagtapos ang kanilang walong mga anak sa kolehiyo. Batid naman natin na hindi libre ang pagpapaaral sa kolehiyo lalo na sa ngayon na halos lahat na lamang ay mayroong bayad.
Matrikula, libro, mga research at projects, field trips, uniporme at marami pang iba. Ang walong mga anak na ito ay nagtapos bilang nars, pulis, arkitekto, marino, accounting staff, civil engineer, guro at nautical.
Ibinahagi ni Jovy Cataraja-Albite ang nakakamanghang kwento ng kanilang pamilya. Hindi mayaman ang pamilya nina Jovy kung kaya naman talagang nagsumikap at nagpursige ang kanilang mga magulang na mapagtapos silang magkakapatid kahit pa gaano kahirap ang buhay.
Lubos naman ang pasasalamat ni Jovy at ng kaniyang mga kapatid dahil sa pagmamalasakit at pagmamahal na ito ng kanilang mga magulang. Sino ba naman ang mag-aakalang makapagpapatapos ng walong mga anak sa kolehiyo ang mag-asawa pagsasaka lamang ang ikinabubuhay.
Literal na dugo at pawis ang kanilang inilaan para sa kanilang pangarap sa kanilang mga anak. Tunay nga na maraming mga magulang at mga kabataan ang nagkaroon ng napakagandang inspirasyon dahil sa kanila. Hindi hadlang ang kahirapan at ang pagkakaroon ng payak na pamumuhay upang hindi makapagtapos ng pag-aaral.
Ang tagumpay sa buhay ay tiyak na makakamtan kung magkatuwang ang bawat isa sa pagtupad ng mga pangarap na ito. At dahil nga nakita ng walong magkakapatid ang sakripisyo ng kanilang mga magulang sa pagsasaka araw-araw, nagsumikap sila at nagpursige sa buhay.
0 Comments