Netizen kinagiliwan sa social media dahil sa nakakatawa ngunit makatotohanang mensahe para sa DepEd!





Napakarami nang nangyari ngayong taong 2020 at talaga namang marami na sa atin ang gustong sumuko dahil sa hirap na ating naranasan dulot ng kalamidad, sakuna, pandemya at marami pang mga hindi inaasahang pangyayari. Dahil na rin sa mga pangyayari na ito ay marami sa atin ang sinisikap na lamang na magpatuloy sa kanilang mga buhay kahit pa nga hindi pa rin tapos ang nararanasan nating pandemya.



Maraming mga manggagawa ang nawalan ng kanilang mga trabaho at marami din ang mga magulang ang kinailangang magtrabaho sa loob mismo ng kanilang mga tahanan kasabay ng pag-aasikaso sa kanilang pamilya at sa mga gawaing bahay. Kamakailan lamang kinagiliwan ng publiko ang post na ito ng isang netizen na nakilala bilang si Tita Disenyo.



Sa naturang post ay bumati muna siya ng isang “Advance Happy Halloween” at kapansin-pansin naman kasi sa mga ibinahagi niyang larawan ang kaniyang mukha na tila mayroong mga “black eye” at tila mayroong kulay pulang dugo sa ilong at tainga nito. Marami ang labis na natuwa dahil sa ito talaga ang nararanasan ng maraming mga magulang sa ngayon.


Nagtatrabaho sila sa kanilang mga tahanan kasabay ng pagsasagot ng mga modyuls ng kanilang mga anak dahil sa online na ang klase sa ngayon. Ayon sa pahayag ni Tinta ay nasa ikatlong baitang pa lamang ang kaniyang anak ngunit sampu na kaagad ang mga modyul nito.



Mayroon pa siyang ibang mga anak kung kaya naman talagang hindi na niya malaman kung paano ang kaniyang gagawin dahil sa napakaraming mga modyuls na ito. Nahihirapan din diumano siya sa pagsagot ng mga English modules, mayroon pang Math at Filipino modules.




Nais niya sanang kahit papaano ay magkaroon naman ng konsiderasyon ang Kagawaran ng Edukasyon para sa kanilang mga magulang upang kahit papaano ay makapagpahinga rin naman sila mula sa kanilang mga trabaho, mga responsibilidad sa pamilya at sa mga gawain sa kanilang tahanan.





Post a Comment

0 Comments