Isang ina nagtrabaho bilang isang construction worker dahil sa ayaw malubog sa utang ang kaniyang pamilya




Talagang ibang-iba ang buhay dalaga o buhay binata kumpara sa buhay may-asawa. Hindi biro ang mga pagsubok na pagdaraanan at mga sakripisyong kailangang gawin para lamang maging matatag ang inyong samahan bilang isang mag-asawa.



Darating din ang panahon na magkakaroon na kayo ng mga anak at bubuo ng sarili ninyong pamilya. Panibagong hamon, pagsubok, at sakripisyo na naman. Ngunit sa kabila nito ay talagang mas nagiging matatag sila bilang mag-asawa.

Ngunit paano nga ba ang iyong gagawin bilang isang kabiyak at isang ina lalo na kung sa gitna ng pandemyang ito ay kinakailangan mong maghanap-buhay para sa kapakapanan ng iyong mga anak? Kamakailan lamang ay talagang sinaluduhan ng maraming mga Pilipino ang Wonder Mom na si Joan Diviva na naitampok ang pambihirang kwento sa magazine show na “Wish Ko Lang”.



Hindi kasi makauwi ang kaniyang mister na si Sherwin Lacao mula pa nang pumutok ang pandemya at siya lamang ang naiwan sa tatlo nilang mga anak. Ilang buwan na ang nakalilipas at talagang wala na silang perang panggastos kahit pangkain man lamang.



Dito na napagdesisyon ni Joan na pumasok at magtrabaho bilang isang “construction worker”. Marami sa atin ang nakaaalam na ang trabahong ito ay napakabigat, napakahirap, at talagang mapanganib.

Ngunit hindi ito alintana ng ginang dahil sa kailangan niyang kumita para sa kaniyang mga anak. Tinitiis ang sobrang pagod sa araw-araw, hindi alintana ang mga kapahamakan na maaari niyang maranasan habang nagtatrabaho, matiyagang tinatapos ni Joan ang kaniyang trabaho sa umaga at sa tanghali naman ay ipinaghahanda at ipinagluluto niya ang kaniyang mga anak ng pagkain.




Tunay nga na naantig ang puso ng maraming mga tao sa naging dakilang pagmamahal niya sa kaniyang pamilya at sa kaniyang mga anak. Kung kaya naman binigyan sila ng tulong ng programang “Wish Ko Lang” kung saan tinulungan nilang makauwi ang kaniyang mister na si Sherwin sa kanilang pamilya.

Nagbigay din ng kanilang mga pangangailangan ang naturang programa.





Post a Comment

0 Comments