African national na walang ilaw, walang malinis na inumin, walang maayos na matutuluyan nakatanggap ng tulong mula sa mga netizens!




Likas na sa ating mga Pilipino ang tumulong sa mga taong nangangailangan. Kahit pa nga marami sa atin ay hindi naman talaga mayaman o wala naman talagang masyadong kakayanan sa buhay, mas pinipili pa rin nating magbigay at mag-abot ng tulong sa abot ng ating makakaya.



Hindi na nakapagtatakang marami sa ating mga kababayan ang nagbigay ng tulong sa African national na ito. Ayon sa naging post ng netizen na si Dianne Chu Guevarra ay talagang awang-awa siya sa kalagayan ng kanilang kapitbahay na si Doyere Tiangboh Siriki Coulibaly.

Wala kasing malinis na tubig na iniinom ang dayuhan at wala ring ilaw ang kaniyang tirahan. Hindi rin maayos at malinis ang kaniyang tinutuluyan ngunit mabait naman daw ito ayon sa naging pahayag ni Dianne.
“Pwede ko bang ihingi ng tulong ‘yung kapitbahay naming African. Sobrang hirap na po kasi ng sitwasyon n’ya ngayong pandemic. Hirap po s’ya araw-araw. ‘Yung tinutulugan n’ya po kasi walang ilaw. Wala po din po s’yang malinis na tubig. Sobrang dumi pa ng bahay n’ya.” Turan ni Dianne sa kaniyang post.



Dagdag pa niya ay talagang nais nang umuwi sa kanila ng 33-taong-gulang na Ivorienne ngunit wala itong sapat na pera lalo na ngayong nagkaroon ng pandemya sa bansa. Ang dayuhan ay isa raw guro at halos walong taon na ring naninirahan sa ating bansa.



Makalipas ang ilang mga araw buhay ng ibahagi ni Dianne ang kaawa-awang sitwasyon ng dayuhan ay bumuhos ang tulong ng mga netizens dito. Mayroong ilang mga netizens na nagpaabot ng tulong para sa African national na ito.


“Sa ngayon po may maayos na po siyang natutuluyan, may mga pagkain, maayos na mahihigaan at nagbigay din po sila ng pang gastos at phone para kay kuya,” magandang balita mula kay Dianne.




Talagang hindi pa rin nawawala sa maraming mga Pilipino ang espirito ng pagbabayanihan at buong pusong pagtulong sa kanilang kapwa gaano man kahirap ang ating buhay sa ngayon.





Post a Comment

0 Comments