Nag-aagaw Buhay na Sanggol, Nailigtas ng Doktor sa Pamamagitan ng CPR; Magulang, Lubos ang Pasasalamat sa Doktor!




Himala, ito ang tawag sa mga bagay na hindi inaasahang mangyayari. Halimbawa na lamang dito ay ang isang sanggol na himalang nakaligtas mula sa pag-aagaw buhay nang siya ay isinisilang ng kanyang ina na isang 18-anyos. Sa tulong ng isang doktor ay masuwerteng nakaligtas ang baby at ito ay lubos na ipinagpasalamat ng magulang ng bata.




Desyembre 27, 2020 nang isinilang ang 'miracle baby' sa La Castellana, Negros Occidental. Ayon sa ulat, nangingitim na at hindi na humihinga ang sanggol ng mailabas ito ng kanyang ina. Dahil dito, agad na nagpunta ang isang doktor mula sa kanyang opisina. kinilala ang doktor na si Dr. Enrico Elumba.

Hindi niya tinigalan ang pag CPR o Cardiopulmonary Resuscitation sa sanggol. Hindi ito sumuko at mahigit 30 minuto niyang ginawa ang mouth-to-mouth resuscitation.




Kaya naman, laking tuwa ng mga tao roon lalo na ng ina ng sanggol na malamang nakaligtas ang baby. Labis ang pasasalamat nila sa doktor na hindi sumuko na mailigtas ang bata.

Pahayag ng doktor, "Kasi 18 years old pa lang yung nanay, parang pinipigilan niyang lumabas yung bata kaya hindi na nakahinga. Makikita na sana ang baby dahil lumabalabas na ang ulo niya."

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments