Lola namamalimos sa lansangan upang maibili ang kaniyang apo ng mga kailangan nito para sa kaniyang online class!




Umantig sa puso ng publiko kamakailan lamang ang kwento ng isang lola na ito na namataang namamalimos sa lansangan. Dahil sa pandemyang nararanasan natin hanggang sa ngayon ay marami pa rin sa atin ang takot lumabas at talagang nagtitiis manatili sa kanilang mga tahanan.



Ilan sa mga indibidwal na madaling kapitan ng lumalaganap na sakit ng ayon ay ang mga taong may karamdaman, bata at lalo na ang mga matatanda. Ngunit sa kabila nito ay tila hindi alintana ng matandang babae panganib na maaari niyang kaharapin sa paglabas at pamamalimos sa lansangan.

Dahil sa masidhing pagmamahal ng lola sa kaniyang apo na ulila na sa mga magulang ay talagang ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya upang makaipon ng pera para sa pag-aaral ng kaniyang apong babae. Ang netizen na si Jhonroe Yu Cabildo ang nagbahagi ng kwento ng matanda at ilang mga larawan sa kaniyang social media account.




Ayon sa kwento nito, magpapasa siya ng kaniyang mga “requirements” noon nang makita niya ang kawawang matanda sa Monumento Station sa Caloocan. Ang matandang babae ay nakilalan niya bilang si Lola Laida Gracias ng Brgy. 160 sa Caloocan City.

Ang pamamalimos palang ito ni Lola Laida ay hindi para sa kaniya kundi para sa kaniyang apo na si Princess Jasmine. Siya ay 11 taong gulang na. Nasira ang kaniyang cellphone kung kaya naman wala siyang magamit para sa “online class” nila.



Wala rin siyang magawa dahil sa wala naman silang pera pampagawa nito. Ulila na sa mga magulang si Princess Jasmine habang ang kaniyang lolo naman ay nakaratay na sa banig ng karamdaman.

Tanging lola lamang niya ang makakatulong sa kaniya. Hindi naman daw pinipilit ng matanda na limusan siya ng mga tao dahil sa batid din niyang marami din ang naghihirap katulad niya.




Ngunit talagang napakalaking pasasalamat na lamang niya sa mga taong hindi nagsasawang mag-abot sa kaniya kahit maliit na tulong lamang. Wala din naman siyang sama ng loob sa lokal nilang pamahalaan dahil sa alam din niyang mas marami pang nangangailangan ng tulong ng mga ito kung kaya naman siya na mismo ang gumawa ng paraan upang kahit papaano ay mayroon silang makain.

Maliit lamang ang naibigay na tulong ni Jhonroe sa kaniya ngunit umaasa siyang sa pamamagitan ang pagbahahagi niyang ito sa social media ay mas maraming makakatulong sa matanda at sa kaniyang pamilya.





Post a Comment

0 Comments