Proud daddy nagbahagi ng ilang mga larawan ng kaniyang anak na nagpapakita ng mga “milestones” nito kasama siya, inulan ng komento mula sa publiko!




Bilang isang magulang, wala tayong ibang nais gawin sa ating buhay kundi gabayan, suportahan at tulungan ang ating mga anak. Bagamat hindi madali ang magpalaki ng mga bata lalo na sa panahon natin ngayon ay talaga namang nagsisilbi pa rin itong kasiyahan ng isang mag-asawa.



Mas naging matatag ang kanilang pagsasamahan dahil sa magkatuwang nilang binubuo ang kanilang pamilya. Talaga namang gagawin ng mga magulang ang lahat ng kanilang makakaya para lamang masiguro na mabibigyan nila ng magandang kinabukasan ang mga ito.

Kamakailan lamang, naging usap-usapan sa social media ang mga larawan na ibinahagi ng lalaking ito kasama ang kaniyang anak. Siya ay nakilala bilang si Ciarán Shannon ng Belfast, Ireland.



Talaga namang kitang kita sa kaniyang mga mata ang pagiging “proud” sa “milestone” ng kaniyang anak na si Niamh. May caption pa ang kaniyang post na “How it started. How it’s going…” kalakip ang tatlong mga larawan nilang mag-ama.



Aminadong kabado din si Ciarán sa unang larawan kung saan makikitang hawak niya ang kamay ng anak habang hinahatid niya ito sa St. Therese of Lisieux Primary School taong 1999. Todo ngiti din naman ang batang si Niamh na tila ba sabik na sa unang araw niya sa eskwelahan.

Ang ikalawang larawan nilang mag-ama ay kuha naman nang magtapos si Niamh ng hayskul taong 2013. Halatang nahihiya ang dalaga ngunit pinagbigyan pa rin nito ang ama at nag-pose para sa naturang larawan.




Taong 2018 naman kuha ang ikatlo nilang larawan. Taon kung kailan nagtapos na ng kolehiyo si Niamh. Kapansin-pansin ang matinding kasiyahan ni Ciarán dahil sa wakas ay nakapagtapos na ang kaniyang anak.

Halatang matanda na ang ama ngunit hindi ito naging hadlang upang maging saksi siya sa lahat ng mga mahahalagang araw sa buhay ng kaniyang anak. Tunay nga na kahit gaano man tayo kapagod at kaabala bilang mga magulang ay hindi natin dapat kalimutan na madalas hindi naman pera lang ang kailangan ng ating mga anak.

Ang paglalaan ng oras at atensyon ay talagang ikatutuwa din nila.






Post a Comment

0 Comments