Malaki ang pagkakaiba ng mga kabataan noon at mga kabataan ngayon. Marahil ay napapansin naman ng marami sa atin na mayroong mga kabataan ngayon na mas tutok sa paggamit ng mga gadgets at social media.
Talaga namang hindi na tulad ng dati na maraming mga kabataan ang lumabas ng kanilang mga tahanan at madalas pa nga ay tumatakas sa kanilang mga magulang para lamang makipaglaro sa kanilang mga kaibigan. Mayroong ilang mga kabataan noon ang talagang babad sa sikat ng araw, sanay sa maduming paraan ng paglalaro sa putikan man yan o sa kabukiran, at talagang hindi aatras sa nakakapagod at napakahirap na takbuhan.
Madalas ay mayroon ding ilan sa atin ang umaakyat sa mga puno, namimitas ng kung ano anong mga prutas upang ibenta o di kaya naman ay pagsaluhan ng buong barkada. Talaga nga namang nakaka-miss ang mga ganitong karanasan noong bata pa tayo.
Hindi na nakapagtataka na maraming mga netizens ang tila nakaramdam ng “nostalgia” sa naging post ng “Memories of Old Manila and Beyond” sa kanilang Facebook page. Mayroong nakalakip dito na larawan ng mga batang masayang naglalaro at isang kasabihan na nagsasabing kung hindi ka gumawa ng ilang mga kabalbalan noong bata ka pa ay walang magpapangiti sa iyo sa iyong pagtanda.
Narito ang ilan sa mga naging komento at pahayag ng mga netizens sa naturang post:
“Not really, there are plenty of things to smile about that is not due to stupidity, there’s nothing wrong with being cautious. Just make sure no regrets afterwards,” Komento ng isa.
“Don’t take it literally. If you still are doing the same stupid things despite you getting older, then you have not learned nor matured.” Pahayag pa ng isa.
“I remember in high school, kada may mag-aabsent, sa akin nagpapapirma yung mga classmate ko instead na sa Principal, lalo na pagsunod-sunod na fever yung nasa excuse letter, halatadong tinamad pumasok, ako naman ang savior nila, namaster kong mabuti ang pirma ni Principal. Nabuking ako at nasuspinde. Natuto naman ako,” Turan naman ng isa pa.
“Got so much to smile about during my younger years… glad no gadgets were invented that time. Batang 90’s kalakal kid here.” Pagbabahagi ng isa pang netizen.
0 Comments