Naranasan mo din bang mamulot ng mga buko pagkatapos ng bagyo?





Hindi naging madali ang pagharap ng maraming mga Pilipino sa maraming mga sakuna at kalamidad sa pagpasok ng taon. Ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang marami at nanatili pa ring matatag at positibo sa buhay.



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa publiko ang post na ito ng Facebook page na “Batang Pinoy-Ngayon at Noon”. Makikita sa naturang post ang ilang mga larawan ng batang mayroong hawak hawak na buko.

Tunay nga na nakasanayan na ng ilan sa atin ang mamulot ng buko lalo na pagkatapos ng isang bagyo. Tila kasi kusang nalalaglag mula sa puno ng buko ang mga bunga nito kung kaya naman pagkalipas ng bagyo ay isa isa nang lalabas ang mga batang mamumulot ng mga ito.



Talaga namang napakasarap ng sabaw ng buko at maging ang matamis na puting laman nito. Maraming mga netizens ang tila nagbalik sa kanilang kabataan dahil sa mga larawang ito.

Narito ang naging komento at pahayag ng ilang mga netizens patungkol sa naturang post:



“Noong kabataan namin, pagkatapos ng pag-ulan, may dala na kaming itak ng mga kaibigan at kalaro ko. Kainan na kami, diretso na sa mismong buko haaayyyy ang saya ng kabataan alalahanin!” komento ng isa.


“Madalas naming ginagawa ‘yan sa kabataan namin noon tuwing may hangin at ulan sa gabi kinabukasan maraming niyog.” Pahayag naman ng isa pa.




“Bata pa ako noon, hindi pa nag-aaral, kasama ko ang kapatid ko at iba pang mga kalaro namin. Pero hirap kami buhatin ang dalawang buko o niyog. Tatabunan namin yung iba ng mga sanga ng niyog, saka namin babalik-balikan. Ibebenta namin, singko isang buko o niyog, hahaha. Nakatutuwang alaala!” Turan naman ng isa.

“Gawain ko ‘yan, iipunin tapos ipagpapalit ng tinapay, papel, at iba pang gamit sa school kasi wala pa kaming pera noong araw. Biyaya sa kalikasan iyan kaya masarap balik-balikan sa alaala!” Dagdag pa ng isang netizen.





Post a Comment

0 Comments