Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez, Bahagi ng Philippine Navy!




Ano nga ba ang mga katangian para makapasok sa isang beauty pageant? Bukod sa magandang itsura, ay kailangang matalino rin. Kailangangang may paninindigan sa mga adbokasiya at mabuti ang kalooban. Kamakailan lamang nang naganap ang Miss Universe Philippines 2021 kung saan kinoronahan ang magdadala ng ating pride sa ibang bansa.




Si Beatrice Luigi Gallarde Gomez ay isang Model, community developer worker, athlete, military corporal, at ang nagwagi ng korona sa Miss Universe Philippines 2021. Siya ang kauna-unahang bis3xual na nakoronahan kung saan siya ang magrerepresenta ng ating bansa para sa Miss Universe.

Ipinanganak si Beatrice noong Pebrero 23, 1995 sa San Fernando Cebu. Nag-aral siya sa University of San Jose-Recoletos at nakapagtapos ng Mass Communication. Kasabay ng pag-aaral ay naging varsity din si Beatrice sa kanilang unibersidad sa sports na volleyball.





Boxing, scuba diving at mixed martial arts ang pinagkakaabalahan ni Beatrice. Enero 2021, nang matapos ni Beatrice ang citizens military course traning ng Philippine Army Reserved Command sa Eastern Visayas kung saan naging hakbang para maging parte siya ng Philippine Navy Reserve Unit na may ranggong corporal.




Hindi madali ang mga pinagdaanan ng mga sumasali sa beauty pageant dahil hindi lamang ito basta sa pagandahan, bagkus ay dapat maalam din sa mga bagay na nangyayari sa mundo at may sapat na kaalaman sa iba't-ibang bagay.




Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments