Nitong mga nagdaang buwan ay hindi lamang nakakatakot na mga bagay ang ating naranasan tulad na lamang halimbawa ng pandemya, mga sakuna at mga krimen dahil sa marami din naman tayong natutunan na naging reyalisasyon sa ating lahat.
Isa na marahil dito ang pagbibigay ng sapat na oras sa ating mga mahal sa buhay, pagpapahalaga sa ating mga trabaho kahit gaaano man ito kahirap, pagpapahalaga sa ating kalusugan at pangangatawan at higit sa lahat ay ang pagsisimula ng mga bagong bagay na ating kinahihiligan.
Isa na nga sa mga hilig na ito ay ang pagbe-bake ng mga tinapay, cake at marami pang iba. Kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan sa social media ang tila “nostalgic feeling” na naramdaman ng maraming mga netizens dahil sa mga larawan ng lata ng biskwit na ginawang “improvised oven”. Ang mga larawang ito ay naitampok sa Facebook page na “Batang Pinoy – Ngayon at Noon”.
Tunay nga na kung sa ngayon ay napakarami nang mga “gadgets” at modernong teknolohiya, noon ay talagang nahahasa ang imahinasyon at ang pagiging malikhain ng mga Pilipino. Sinong mag-aakala na maaari palang gawing oven ang isang lata ng biskwit na wala nang laman?
At makakapagluto ka talaga ng masasarap na mga pagkain! Ayon pa nga sa caption ng naturang post: “Walang oven? No problem! Iyan ang batang Pinoy, kayang gawan ng paraan, lata ng biscuit solve na.”
Basta’t mayroon ka lamang kahoy o di kaya naman ay uling ay paniguradong makakagawa ka na ng masasarap na mga kakanin, tinapay at iba pang ulam. Maraming mga netizens ang hindi na napigilan pa ang mapa-komento at mag-react sa naturang post.
Narito ang ilan sa kanila:
“Iyan ang tunay na Pinoy, madiskarte! So creative! Galing-galing talaga natin,” Pahayag ng isa.
“Iyan ang ipinampapasalubong namin kapag umuuwi kami sa probinsiya noong araw. Alam kasi namin na mapapakinabangan nila iyan, lalo na yung lutuan. Kung hindi man gawing oven, puwedeng paglagyan ng bigas, mais, o iba pang mga ani. Those were the days!” Komento naman ng isa.
“Iyan ang lutuan namin kapag gagawa kami ng bibingka sa probinsiya,” Turan pa ng isang netizen.
“Iyan ang pasalubong ng asawa ko, bagong panganak ako sa Maynila, siya nagwowork sa terminal ng bus sa Pasay. Laging ganiyan ang binibili namin para magamit at mapakinabangan pa rin ng mga taga-probinsiya.” Ito naman ang naging reaksyon ng isa pa.
0 Comments