Netizen, labis na nagulat dahil sa higit Php54,000 na halagang kailangan niyang bayaran dahil lamang sa kaniyang parking violation, ilang buwan na ang nakakalipas!




Labis na nadismaya at nagulat ang netizen na ito dahil sa matinding “penalty” na kailangan niyang bayaran dahil sa kaniyang parking violatin ilang buwan na ang nakararaan. Ayon sa naging viral post ng netizen na si Rommel Estrella na mula sa post ng “Philippines CCTV & DASH CAM Spotted Facebook page” ay nagtungo siya noon sa tanggapan ng OPPS (Traffic Enforcer Antipolo) upang malaman kung magkano ang kailangan niyang bayaran upang matubos ang kaniyang lisensiya.



“Kanina lang po ako nagpunta sa office ng OPPS (Traffic Enforcer Antipolo), pina-compute ko po kung magkano ko matutubos ang license ko. At tinanong ko kung nandun pa. Sabi nila, nandun pa raw. Tapos ibinigay sa’kin ang computation. Nagulat ako sa halaga, pumapatak po s’ya ng P54k, ang violation ko ay illegal parking lang.” Pahayag ni Rommel.

Ayon sa mga larawang ibinahagi niya sa kaniyang post ay makikita ang malinaw na komputasyon ng kailangan niyang bayaran. Noong Enero 8, 2020 pa pala siya nahuli at nito lamang niya inasikaso ang pagkuha ng kaniyang lisensiya.



Nasa Php5,000 ang kailangan niyang bayaran para sa kaniyang parking violation at tumataginting na Php49,250 naman ang naging penalty niya dahil sa Php250 kada araw na penalty nang hindi niya pagtubos sa kaniyang lisensiya na umabot na ng 197 na mga araw. Sa kabuuan ay kailangan niyang bayaran ang Php54,250 para lamang mabawi ang kaniyang lisensiya.


Humingi ng tulong si Rommel kung saan siya maaaring lumapit upang matulungan siya dahil sa wala siyang ganito kalaking kahalaga para mabawi ang kaniyang lisensiya. Maraming mga netizens ang nagsasabing maaari niyang idahilan ang pandemya kung kaya naman hindi niya kaagad natubos ang kaniyang lisensiya ngunit mas marami ang nagsasabing tama lang ang naging komputasyon dahil sa magkakaroon talaga siya ng penalty kung hindi niya ito mababayaran sa itinakdang panahon.



Kung kaya naman para sa maraming mga motorist dapat ay mas maging responsable at disiplinado tayo upang hindi natin ito maranasan.








Post a Comment

0 Comments