Isang Ina, Nagsumikap na Mapag-Aral ang mga Anak sa Pamamagitan ng Pagta-Tricycle!




Ang pagiging isang ina ay hindi madaling responsibilidad. Bilang isang ina, ay gagawin niya ang lahat para sa ikabubuti ng kanyang mga anak. Kahit na mahiråp ay kakayanin ng isang ina katulad na lamang ni Lelibeth Javillo na nagtrabaho at kumaod bilang isang tricyle driver. Ang pamamasada ay kadalasang hanapbuhay ng mga kalalakihan.




Para mapag-aral ang mga anak ni Lelibeth ay ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya. Nagluluto noon ng mga miryenda si Lelibeth para ibenta. Maaga siyang bumabangon para mamalengke ng mga sangkap niya sa pagluluto. Sumasabay siya sa pagpasok ng mga anak papuntang eskwela. Ngunit, nang maghigpit ang paaralan kung saan siya nagtitinda ay nahinto na siya.

Napagdesisyunan niyang bumili ng motorsiklo na hulugan at nagsimulang mamasada. Naging miyembro siya ng kanilang TODA at nag-iisa lamang siyang babaeng miyembro roon.





Kuwento niya, noong una ay natatak0t pa si Lelibeth dahil ang lahat ng kanyang kasamahan ay lalaki. Ngunit nakapag-adjust din siya kinalaunan dahil na rin sa tulong ng kanyang mga ka-TODA.

Hindi iniisip ni Lelibeth na kung ano ang klase ng kanyang hanapbuhay, kahit na ito ay pang-lalaki pa dahil ang mahalaga sa kanya ay mapag-aral ang mga anak.




Marami ang humanga sa kanya dahil sa dami ng kanyang pinagdaanan ay hindi nito naisip na sumuko bagkus ay nagpatuloy pa. Si Lelibeth ay itinuturing isang ulirang ina dahil sa kasipagan nito sa paghahanapbuhay para sa kapakanan ng kanyang mga anak.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments