Ama, Napaluha sa Tuwa Nang Unang Masilayan at Mahawakan Ang Bagong Silang na Anak!




Isang ama ang hindi napigilan ang emosyon matapos na mahawakan at masilayan ang kanyang kauna-unahang anak. Napaluha nalamang si Chris Bunao sa tuwa dahil isa na siyang ganap na ama. Marami nang napagdaanang mga pagsub0k ang mag-asawang sina Chris at misis nitong si Xia Bunao. Isinilang ni Xia ang kanilang panganay na anak na pinangalanang Baby Christian sa Edmonton, Canada.




"Ito 'yung matagal na naming pinag-pray. Ito 'yung palagi kong kinakantahan sa tiyan ng asawa ko. Ito na 'yung palagi kong kinakausap bago matulog," sabi ng amang si Chris."Parang siya nga 'yung nanganak kasi siya 'yung nag-viral. Sobrang nakakatuwa po 'yun kasi it's something that, growing up na hindi ko po na-meet 'yung father ko. So 'yung anak ko hindi po mae-experience 'yung na-experience ko. It's really a blessing na nakapangasawa ako ng gano'ng klaseng tao," ani ni Xia, ina ng sanggol.

Dumaan sina Chris at Xia sa siyam na taon na long distance relationship bago sila naging isang masayang pamilya. Taong 2013 nang ipetisyon si Chris, na 19-anyos lang noon, ng kaniyang mga magulang para mag-migrate sa Canada. Naiwan naman sa Pilipinas si Xia na 17-anyos noon. Dahil dito, sinabihan sila ng iba nilang mga kaibigan na hindi magtatagal ang relasyon nila.





"May mga point din minsan na nagkakaroon kami ng arguments, 'yung mga time na kailangan niyo kasing magtugma ng oras. Kasi umaga sa Pilipinas, gabi rito, kailangan mong mag-work. So may mga time na puyat ka eh, para mabigay mo 'yung time mo sa kaniya," ani Chris.

"Na-realize ko na somehow din pala hindi ko siya nakamusta, hindi ko siya natanong noong mga panahon na siya 'yung nauna rito (Canada). And I feel sad and I feel sorry na never ko man lang tinanong sa kaniya kung anong naramdaman niya," sabi ni Xia.




Dumaan ang mag-asawa sa maraming pagsub0k para makasunod si Xia sa Canada. "At first na-scåm kami ng agency. Umulit kami ulit ng processing. March 13, nag-announce naman si President Duterte ng lockdown," pagbabahagi ni Xia

Matapos nito, magkasama na sina Chris at Xia, at nabiyayaan sila nang dumating si Baby Christian. "'Yung support na kahit, alam mo 'yun, iabot mo lang 'yung mga ganitong bagay, i-ready mo 'yung mga gano'ng bagay para sa asawa ko. Nagtutulungan kaming dalawa," sabi ni Chris.

"Sa young couples out there, huwag na huwag ninyong kalilimutan in the first place bakit kayo nagsimula. Kasi sa panahon ngayon, madali na lang magtapon ng mga bagay-bagay or magpalit ng mga bagay-bagay na ultimo relationships, madali na lang din itapon. Somehow sana hindi maging gano'n," sabi ni Xia.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments