Php10,000 naipadala sa maling receiver, kusang ibinalik sa sender na labis nitong ipinagpasalamat!





Ang mga online services ay talaga namang nagdulot ng kaginhawahan sa maraming mga tao lalo na nitong mga nagdaang buwan nang pumutok ang pandemya. Dahil sa mga online services na ito tulad na lamang halimbawa ng online stores, online groceries, online food delivery, online cash transfers ay hindi na kailangan pang lumabas ng mga tao.


Mas napadali ang ating mga dapat gawin dahil sa mga serbisyong ito at hindi na natin aalahanin pang magtungo sa mga bangko at pamilihan. Ngunit nakakalungkot din naman ang katotohanan na madalas ay marami tayong kinahaharap na alalahanin at kaabalahan dahil sa mga serbisyong ito. Halimbawa na lamang ay biglaang aberya sa mga pagkain na dapat sana ay maidedeliver sa tamang oras.



Mayroon din namang madalas na mangyari kung saan nagkakamali tayo ng taong pinadadalhan natin ng mga online cash transfers na ito. At kadalasan ay hindi na muling naibabalik pa sa atin ang perang ito na pinaghirapan natin kitain.

Kung ano nga ba ang iyong mararamdaman, ano ang iyong gagawin kung ang Php10,000 na pera mo ay nai-send mo sa maling tao? Tiyak na sasakit ang ulo mo kakaisip kung paano mo ito sosolusyunan.




Ngunit para kay Sheryll Dijamco Abril ay hulog ng langit si Ed Michael Monares sa kaniya dahil sa kusang loob nitong pagsasauli ng Php10,000 na maling naipadala niya sa GCASH account nito. Nakausap at napasalamatan na ni Sheryll si Ed ngunit ninais niya pa ring ibahagi sa social media ang nakakamangha nilang kwento.

Lubos ang pasasalamat ni Sheryll dahil sa ginawang ito ni Ed. Patunay lamang ito na kahit sa mga mahihirap at kumplikadong panahon na ito ay mayroon pa rin palang mga taong may pagmamalasakit sa kanilang kapwa.



Ito ay dapat tuluran ng mas maraming mga Pilipino lalo na ng mga kabataan. Ikaw, anong gagawin mo kung sakaling mayroong magpadala sa iyo ng pera na batid mo namang “pagkakamali” lamang?

Agad mo ba itong isasauli o gagamitin na lamang sa personal mong pangangailangan?








Post a Comment

0 Comments