Mapalad ang Koreanong si Chang Sam Hyum dahil nagtagpo ang landas nila ni Basel Manadil o mas nakilala natin bilang si “The Hungry Syrian Wanderer”. Ayon sa ilang mga ulat ay nag-viral si Mr. Chang dahil sa pagtitinda nito ng mga noodles.



Noon pala ay isa siyang multi-millionaire na nagmamay-ari ng isang construction company, hotel at mga apartment ngunit sa loob lamang ng 20 taon na pagsusugal at pagka-casino ay naubos ang lahat ng kaniyang kayamanan at pagmamay-ari. Dahilan upang magalit at lumayo sa kaniya ang kaniyang dalawang anak na nasa Amerika at Korea.

Tanging ang misis na lamang niya ang nagmamahal sa kaniya dahil sa ayaw na rin siyang makita ng kaniyang mga kapatid. Malungkot ang kaniyang naging karanasan ngunit nananatili pa ring positibo at puno ng pag-asa sa buhay si Mr. Chang.




Ipinasilip din niya ang kaniyang tinutuluyang kwarto at talagang nakakahabag ang kaniyang kalagayan. Wala man lamang kasi siyang lamesa na maaaaring pagkainan kung kaya sa sahig na lamang siya kumakain, wala ring ilaw ang kaniyang banyo kung kaya naman napakahirap ding maligo rito.

Sobra din ang kalat sa kaniyang tinutuluyan dahil sa wala naman siyang ibang kasama sa kaniyang kwarto. Tuwang-tuwa naman si Basel dahil sa pagiging masayahin ng matanda sa kabila ng mahirap niyang sitwasyon.



Sa katunayan ay natuto na itong magpahalaga sa pera na dati ay inaaksaya lamang niya sa casino. Mayroon pa nga itong mga perang ipon sa ilalim mismo ng kaniyang higaan.




Bukod sa perang ibinigay ni Basel sa kaniya ay sinorpresa pa niya ito ng simpleng “room makeover” kung saan nilinis at pinaganda nila ang kwarto ni Mr. Chang. Tunay nga na mas makakatulog na siya ng maayos sa kaniyang kwarto matapos ang mahabang araw ng pagtitinda sa lansangan.

Nasasabik na din siyang makasama ang kaniyang asawa na lilipad patungong Pilipinas sa oras na payagan na ang pagbiyahe at pagpasok ng mga dayuhan sa bansa.