Watch! Isang Ate, Napaiyåk na Lamang Habang Tinuturuan ang Kapatid sa Modules Nito!




Simula nang pumasok sa ating bansa ang kumakalat na v!rus ay ipinatigil muna ang pagtuturo sa eskwelahan. Online class at modular learning ang naisip na paraan ng ating pamahalaan upang maipagpatuloy ang pag-aaral kahit na nasa bahay lamang ang mga estudyante. Ngunit, hindi ito naging madali para sa mga guro lalo na sa mga bata na kadalasa'y napapaiyåk na lamang dahil sa dami ng mga modules na dapat sagutan.




Isa na lamang rito ang 15-anyos na estudyante na si Iverleen Grace Rubio na na-videohan kung saan napaiyåk na lamang siya habang nagtuturo sa nakababata niyang kapatid na nagsasagot din ng modules nito.

Ayon kay Iverleen, nahiråpan umano siya dahil kailangan niyang turuan ang dalawa niyang kapatid gayong siya mismo ay kailangan ding magsagot ng modules.

Aniya, na-pressure siya dahil kailangan nang ipasa ang module ng kapatid sa araw na iyon. Dëådline na rin kinabukusan ang pasahan ng kanyang modules at ng isa pa niyang kapatid.





Sabi ni Iverleen, tungkulin niyang gabayan ang kaniyang mga kapatid bilang panganay lalo't abala sa trabaho ang kanilang magulang, mga tiyuhin, at tiya.

"Honestly, for me being in this situation, it is very difficult especially because I can't quite understand the lessons without personally explaining it to me, and researching on the website can cause distraction sometimes. What more… to those people who can't teach themselves independently? We have different learning capabïlities, some students need an elaboration so they can understand, or maybe they need a professional teacher to guide them. It can be stressful to a student like me, since I’m still young," ani Iverleen.




Para kay Iverleen, mahalaga ang face-to-face classes pero kailangan ang mahigpït na pag-iingat. Aniya, mas mabuti pa rin kung ang mga guro ang mismong magtuturo sa mga estudyante dahil may ilang magulang na hindi kayang bastang magturo.



Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments