Basura na dulot ng baha? Mayroong nakakamanghang imbensyon ang Australia para d’yan!





Madalas nating mapapansin na maraming mga bansa ang dinarayo ng mga turista dahil sa pambihirang ganda at kalinisan ng mga ito. Marahil isa na ang Australia sa mga bansang ito.



Ngunit hindi ba kayo nagtataka kung paano napapanatili ng mga bansang ito ang kalinisan ng kanilang lugar lalo na kung dumarating ang labis na pag-ulan at pagbaha. Nang magsimula ang taong 2020 ay nakagawa ng isang kapaki-pakinabang na paraan o sistema ang mga otoridad mula sa Kwinana, Australia.



Ang system na ito ay tinatawag na “filtration” sa Henley Reserve. Ito ay isang hardin na madalas puntahan ng maraming mga tao.

Simpleng simple lamang ang pamamaraan na ito ngunit talagang napakalaking tulong nito para sa pagpapanatili ng kalinisan sa lugar. Ang isang malaking net ay nakakakabit sa isang “outlet” ng kanilang bawat “drainage pipes”, ito mismo ang sumasala sa mga kalat at maruruming bagay sa tubig na siyang naiiwan mismo sa mga dambuhalang nets na ito.




Kapag naman puno na ang mga ito ay kokolektahin na ito ng mga truck na siyang magdadala ng mga ito sa “trash sorting center”. Dito naman hinihiwalay ang mga recyclable at non- recyclable na mga materyales at saka na ipagpapatuloy ang proseso.




Bagamat mahal ang mga nets na ito na nagkakahalaga ng $10,000 bawat isa at maging ang mga taong nangongolekta ng mga basurang ito ay binabayaran din ng mahal ay ayos na rin upang mapanatili nilang malinis ang kapaligiran. Tunay nga na mayroon pa rin pala talaga tayong magagawa upang makatulong sa ikaaayos at ikalilinis ang ating kapaligiran.

Kailangan lang nating makiisa sa pagiging responsible at disiplinado upang maiwasan na ang labis na pagtatapon ng mga basura at pagkakalat ng mga turista man o lokal na mga residente ng isang lugar. Tiyak na mas marami pang mga indibidwal ngayon ang magiging alisto sa pangangalaga sa ating Inang Kalikasan.





Post a Comment

0 Comments