Isang Thai Monk nanalo ng $588,000 sa lotto matapos nitong tulungan ang ticket seller na maubos ang kaniyang paninda!





Isang monghe mula sa Thailand ang nanalo ng $588,000 sa lotto! Maraming mga netizens ang una nang humusga sa kaniya dahil sa ang mga monghe ay nanumpa upang magkaroon lamang ng simpleng pamumuhay at hindi rin talaga sila pinahihintulutang magsugal sa kahit anong pamamaraan.

Photo credit: @welovespk/facebook



Ngunit hindi naman pala talaga intensyon ng monghe na ito ang magsugal o tumaya sa lotto dahil sa ang nais niya talaga ay matulunga ang isang ticket vendor. Ang 67 taong gulang na mongheng si Ajahn Montri Samujjo ay naging monghe na sa Wat Thinnakorn Nimit sa Nonthaburi Province sa Thailand halos buong buhay niya.

Siya ay tinawag ng mga residente doon bilang si Monk Piak at talaga namang kilalang-kilala siya sa kanilang bayan. Kahit matanda na ay talaga namang nasusulit pa rin niya ang kaniyang tahimik na buhay bilang isang monghe.



Photo credit: @welovespk/facebook

Ang mga monghe kasi ay mayroong pangako ng kahirapan sa kanilang buhay kung kaya naman hindi na niya binibigyang-halaga pa ang mga materyal na bagay, salapi, at kayamanan. Ngunit sinong mag-aakala na mababago pala ang buhay niya dahil sa pagnanais niyang tulungan ang isang nagbebenta ng tiket ng lotto na lumapit sa kaniyang upang bilhin ang huling tatlong mga tikets na itinitinda niya.



Photo credit: @welovespk/facebook

Naawa ang monghe at binili na niya ang mga tiket kahit pa nga kinailangan niyang humiram muna ng pera (2,000 Thai Baht o $65) sa kaniyang kapwa monghe. Hindi niya lubos akalain na mananalo pala ang mga numero na nasa lotto ticket na kaniyang binili! Ang kaniyang napanalunan ay umabot sa halagang 18 milyong Thai Baht o halos nasa $589,000.




Photo credit: @welovespk/facebook

Binigyan niya ng tig-iisang milyong Thai Baht ang kaniyang tatlong anak. Nag-donate din siya ng malaking halaga sa templo kung saan siya nagsisilbi at ang natirang pera ay itatabi na muna niya upang maipangtulong sa ibang taong mas nangangailangan.

Dinumog siya ng mga pulubi sa kanilang templo upang makahingi ng tulong sa kaniya ngunit naging dahilan rin ito ng kaguluhan kung kaya naman nagdesisyon ang monghe na lumipat na lamang ng tirahan upang hindi na magulo pa ang templong kaniyang pinagsisilbihan.





Post a Comment

0 Comments