Isang ama, tinuturuan ang kaniyang anak na malapit na ring maging ama kung paano ang tamang pagpapaligo ng sanggol!





Napakasarap sa pakiramdam ang pagkakaroon ng isang bagong silang na sanggol. Tila ba mayroong anghel na bumaba sa kalangitan at talaga namang nahahawakan, nayayakap at nahahalikan na siya ng kaniyang mga magulang.



Ngunit kalakip ng napakagandang karanasan na ito ay ilang mga pagbabago at pagsasakripisyo. Madalas kasi na mas mahirap alagaan ang mga bagong silang na sanggol dahil sa napakaselan pa ng kanilang pangangatawan.



Ito marahil ang pinag-aalala ng “soon-to-be-daddy” na si Vinh Quang Pham. Buti na lamang ay suportado siya ng kaniyang ama kung kaya naman tinuruan siya nito kung paano magpaligo ng isang bagong silang na sanggol gamit mismo ang kanilang pusa bilang modelo.

Ang viral video na ito ay kuha sa tahanan nila sa Hanoi, Vietnam. Nais kasi ni Vinh na magkaroon siya ng “reference” sa hinaharap kung kaya naman nag-video siya habang tinuturo ng kaniyang ama ang dapat niyang gawin kapag papaliguan na niya ang bagong silang niyang anak.



Ibinahagi din naman ni Vinh ang video na ito sa social media dahil sa nakakatuwang reaksyon ng kanilang pusa at sa pambihirang kakayahan ng kaniyang ama na magpaligo ng isang sanggol kahit na isa siyang lalaki. Madalas kasi na mga babae lamang ang nagpapaligo sa mga bagong silang na sanggol.




Marami kasing mga lalaki ang talagang natatakot at kinakabahan na humawak at lalo na magpaligo ng isang bagong silang na “baby”. Pero para sa daddy ni Vinh, tila ba gamay na gamay pa rin niya ang pagpapaligo ng sanggol hanggang sa ngayon kung kaya naman mapapansin sa video na napakaingat at napakahusay ng ginawang pagpapaligo nito sa modelo nilang pusa.

Tila enjoy na enjoy nga ito sa ginawang pagpapaligo sa kaniya ng kaniyang amo. Ayon sa ilang mga eksperto, huwag dapat kalimutang maging maingat at ihanda na ang lahat ng kakailanganin kung magpapaligo ng sanggol.


Huwag na huwag din dapat iwanan ang sanggol kahit sandali lamang dahil sa maaaring magdulot ito ng kapahamakan sa sanggol.





Post a Comment

0 Comments