Pangarap na Graduation ng College Student na Pumanåw, Tinupad ng Kanyang Pamilya!




Marami sa mga kabataan ang nangangarap na makapagsoot ng toga, makatuntong sa entablado at makatanggap ng diploma. Kaya naman, kahit na tambak sa assignments, projects at mahihiråp na tanong sa mga exams ay nagpupursige pa rin ang marami para maisakatuparan ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral. Ilang taon at umaabot pa ng dekada ang pagdadaanan para makapagtapos sa pag-aaral at makatanggap ng diploma.




Ngunit, may ilan na hindi na natutupad ang pangarap na ito. May ilan na pinipili na lamang mamasukan at kumita na ng pera para makatulong sa pamilya, may ilan na nagkakaroon na ng pamilya at piniling makapag-focus sa pamilya at may iba naman na binabawiån na ng buhay katulad na lamang ng isang graduating student na si Hemenz Luzada.

Napupuno ng pangarap si Hemenz na iahon ang kanyang pamilya mula sa kahiråpan ngunit hindi na niya ito maisasakatuparan pa dahil pumånaw na siya.





Pursigidong mag-aral noon si Hemenz. Isa siyang working student na may kursong Business Administration Major in Financial Management.

Hunyo 26 ang araw ng kanyang pagtatapos sa kanyang kinuhang kurso ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay binawiån ito ng buhay nitong Hunyo 25, isang araw bago ang araw ng kanyang graduation day.




"Cardiåc arrest po. Nakita na lamang siya noong umaga na pat4y na," ayon kay Evelyn, ina ni Hemenz.

"Wala siyang bisy0, hindi siya naninigårilyo. Sobrang såkit po [sa kalooban]."

Dahil dito, isang munting seremonya ang hinandog ng kanyang pamilya at dating kasinatahan na si Vanesa para matupad ang pangarap ni Hermenz na makadalo at makapagtapos ng kolehiyo kahit na wala na itong buhåy.




Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments