Maraming mga tao at negosyo ang talagang naapektuhan ng pandemyang COVID-19 na hanggang sa mga araw na ito ay talaga namang nagdudulot pa rin ng pangamba at takot sa ating lahat. Talaga namang kabi-kabilang mga sakripisyo at paghihirap ang ating ginagawa para lamang makaraos sa araw-araw.
Kahit pa nga napakaraming mga dahilan upang sumuko na tayo at hindi na lumaban pa sa hamon ng buhay, mas naghahanap pa rin tayo ng maraming mga dahilan upang magpatuloy at magpakatatag. Tulad na lamang ng isang dating barista ng “Starbucks” na kinailangan ipasara ang bagong tayo niyang negosyo nito lamang Enero 2020 sa Antipolo dahil sa pandemya.
Marso 2020 ay tuluyan na nilang isinara ang kanilang negosyo kasama ang kaniyang dalawa pang mg aka-partner. Ngunit sa kabila nito ay hindi siya sumuko at nag-isip pa siya ng ibang pamamaraan upang matupad ang kaniyang pangarap na magkaroon ng sarili niyang café kahit pa sa ikalawang pagkakatao.
Nito lamang Nobyembre 2020 ay muli na naman niyang sinubukan ang pagbubukas ng isang bagong negosyo. At talaga namang marami ang sumuporta at tumangkilik sa kaniyang “Japanese-inspired coffee shop”.
Talaga namang nakakabilib ang istorya ng kaniyang muling pagbangon. Siya ay walang iba kundi si Drew Magana.
Hindi na niya iniisip pa ang mga hindi magandang nangyari noon bagkus ay talagang nagpursige siyang maitayo ang munti niyang negosyo sa halagang Php80,000 ay naisaayos niya ang kaniyang bagong café na dati ay isa lamang maliit na tindahan. “Grab and Go” ang konsepto ng kaniyang café na “Typica Coffee” na matatagpuan sa Taytay, Rizal.
Marami silang mga “hot and cold drinks” at siyempre iba’t-ibang uri ng pastries tulad na lamang halimbawa ng “cheese tart”, “mini basque burnt cheesecake” at marami pang iba.
“Gusto ko lang sana kahit ‘yung mga other baristas to be inspired na even if maraming nangyayari ngayon like typhoons, pandemic and all, parang we can still pull through. As long as nandun ‘yung goal natin… parang we have a goal setting na gusto talaga natin magkaroon kahit little shop lang,” Pahayag ni Drew.
0 Comments