Muli na namang nagimbal ang publiko sa naging pangyayari na ito sa Japan. Isa kasing napakaliwanag na bola ng apoy ang nakita sa kalangitan ng Central Japan nito lamang ika-29 na araw ng buwan ng Nobyembre.
Maraming mga tao ang nakasaksi sa pangyayaring ito. Marami ang nabahala dahil nga sa kuhang mga larawan at video ay makikita ang nag-aapoy nitong pagbulusok pababa at ang kakaibang ingay na kaakibat nito.
Dahil nga sa hindi naman madalas mangyari ang ganito sa Japan, maraming mga tao ang nakapagrecord ng naturang “fireball phenomenon”. Ayon sa ilang mga ulat, kuhang kuha sa mga camera ng Aichi at Mie prefecture ang pangyayari habang pumapasok sa kalangitan ng Japan ang bolang apoy na ito.
Isa pang camera mula sa Nagoya ang nakakuha ng napakaliwanag na bolang ito habang pumapasok ito sa ating mundo. Ayon sa ilang mga eksperto, malaki ang posibilidad na sumabog na ang “meteor” na ito pagpasok mismo nito sa ating mundo kung kaya naman tiyak na maraming mga bahagi nito ang nasa lupa na.
Ayon naman sa National Astronomical Observatory ng Japan, ang “average” na landing ng isang meteor ay dapat sa loob pa ng isang buwan. Pahayag naman ng iba pang eksperto, madalang mangyari na makakita sila ng liwanag o di kaya naman ay makarinig sila ng kakaibang ingay sa pagbagsak lamang ng “meteor fragments” mula sa ating kalawakan.
Madalas din diumano tayong makakita ng mga “meteor” sa kalawakan ngunit maliit lamang ang tiyansa nitong pumasok at bumagsak sa ating mundo. Ayon naman sa NASA, nasa halos 48.5 na fragments ng “meteorite debris” ang nahuhulog sa Earth araw-araw ngunit karamihan talaga sa mga ito ay nawawala na o natutunaw na kaagad sa oras na pumasok ito sa “atmosphere” ng ating mundo.
これは怖かった#火球 pic.twitter.com/HaIed57RXB
— ひであき (@hide85688321) November 29, 2020
“The sky went bright for a moment and I felt strange because it couldn’t be lightning. I felt the power of the universe!” Pahayag ng isang netizen.
“Was that a fireball? I thought it was the end of the world…” komento pa ng isa.
0 Comments