Likas na sa ating mga Pilipino ang magdiwang ng Kapaskuhan. Marami kasi sa atin ay Katoliko at Kristiyano. Talaga namang pinakaaabangan ang pagdiriwang na ito na nagsisimula kaagad buwan pa lamang ng Setyembre.
Bukod kasi sa napakaliwanag at napakagandang mga dekorasyon ay panahon din ito ng pagmamahalan at pagbibigayan. Nakakalungkot lamang isipin na hindi lahat ng tao ay ito ang minimithi.
Mayroon kasing iilan sa atin ang talagang mas pinapahalagahan pa ang pera at ibang mga materyal na bagay kaysa sa pakikisama at pagrespeto sa ibang tao. Naging usap-usapan nga ng publiko ang karanasang ito ng isang ninong na nakilala sa pangalang Harry Engelo Anthony Paala.
Nagbahagi na rin siya ng ilang mga kuhang larawan ng naging pag-uusap nila ng kaniyang kumpare. Hindi niya talaga akalaing ang kumpare pa niya mismo ang mamahiya at hindi gagalang sa kaniya.
Kahit man lang ang kanilang pagsasama at pagkakaibigan ay hindi nito pinahalagahan. Dahil lamang sa Php1,000 ay nagkaalaman ng tunay na kulay ang dalawa.
Noong una ay nangungumusta at bumati lamang ang ama ng kaniyag inaanak sa kaniya. Napunta pa nga sila sa pagkakataon na tila nagtatanong na ito kung magkano ang ipapamasko ni Harry sa kaniyang inaanak.
Sa halip kasi na 500 na nakalaan para sa batang inaanak niya ay nagtanong pa ito kung maaaring Php1,000 na ang ipamasko niya sa kaniyang inaanak. Hindi na napagilan pa ng nanay ng lalaki na mabwisit sa ibang tao ngunti para sa kaniya ay mas mainam ng malaman niya ang lahat bago pa ang ibang tao.
Hindi na naging maganda ang kanilang pag-uusap dahil sa maging ang mga pagkain na diumano ay kinain at ipinauwi nila sa binyag ay naging usapan pa nila. Tunay nga na nakakadismaya at nakakalungkot ang pangyayari na ito dahil sa hindi naman pera lang ang dahilan para kuhanin natin bilang isang ninong o ninang ang ating kakilala.
Dapat ay nalalaman din natin ang tunay na gampanin nila sa ating mga anak.
0 Comments