Ginataang lubi-lubi, kinatakaman ng maraming mga netizens sa social media!





Tayong mga Pilipino ay maraming mga masasarap na mga pagkain na talaga namang katatakaman ng marami. Lokal man o dayuhang turista ay talagang mawiwili sa napakaraming mga masasarap na putahe sa ating bansa.



Hindi lamang ulam, panghimagas, kakanin, at mga “streetfoods” ang kinasasabikan dito sa ating bansa kundi ang maraming mga prutas at gulay na kadalasan ay dito lamang matatagpuan. Marahil ay hindi kilala ng iilan sa atin ang halaman na lubi-lubi.

Ito ay isang maliit na halaman lamang na mayroong berdeng mga sanga, pangkaraniwan lamang ang dahon nito na patulis ang hugis. Mayroon din itong bulaklak na kulay puti kung minsan at bunga na kulay lila o itim.



Saan mang lugar sa bansa ay tiyak makakatagpo ka ng ganitong klase ng halaman. Ayon sa ilang mga eksperto, maaaring makuhanan ng maraming mga sustansiya at benepisyo sa ating katawan ang iba’t-ibang bahagi ng halamang ito.



Maaari kang makakuha ng “solanine” at “tropeine” sa buong halaman nito. Habang maaari ka ding makakuha ng “alkaloids”, “saponins”, “tannins”, “flavonoids”, at “proteins”.

Ang bunga nito ay hitik naman sa “calcium”, “iron” at “phosphorus”. Sa mga dahon naman nito makukuha ang “coumaric acid”, “quercetin”, “catechol”, “caffeic acid”, “gallic acid”, at “protocatechnic acid”. Mayroon ding ilang matatanda na nagtatapal ng hilaw na bunga nito sa balat.




Madalas na nilalaga ang halamang ito upang inumin ang pinagpakuluan o di kaya naman ay dinidikdik pangtapal sa katawan. Pumukaw sa atensyon ng publiko kamakailan lamang ang larawan ng lubi-lubi na niluto sa gata ng niyog, “ginataang lubi-lubi” kung tawagin.

Noong una ay hindi pa makilala ng mga netizens kung anong klaseng halaman ito ngunit kalaunan ay nagkomento na rin ang ilang mga Pilipino na nakatikim na ng putahe na ito. Talaga namang napakasarap at katakam-takam ng lutuin na ito na hanggang sa ngayon ay hinahanap-hanap pa rin ng maraming mga Pilipino.





Post a Comment

0 Comments